Wednesday, September 15, 2004

What’s cookin’, Ca t ?

Dear Mouse,

Maraming naliligaw sa aking blog para maghanap ng recipes. Marahil dahil sa aking post na radical chef (not). Utang na loob, ang Pusa pong ito ay hindi marunong magluto. Kaya pinagsama-sama ko po ang mga batikan sa pagluluto sa sidebar captioned Chefcats,para pag may naligaw, alam nila ang kanilang pupuntahan.

Kahit sila mga full time housewives,sila naman ay mga propesyonal; abugada(siyempre yong pinakaradical sa kanila ) si Sassy, dalawang doktora; si Manangku at si hitsnmisses; isang software engineer,si Kusina ng Lola niya, isa pang techie, si Celia atisang mabuting may-bahay,si Ting-aling. Sila ay nasa iba't-ibang bahagi ng mundo; si Sassy ay nasa Pinas; si Manangku at Kusina ni Lola ay nasa Estet, si Celia ay nasa England at si hitsnmisses ay nasa Taiwan at si Ting-aling ay nasa kampana. (hehehe)

Hindi nga po ako marunong magluto maliban sa Sinunog na Chicken Wings.Simple lang, ilagay ang mga pirasong chicken wings sa kaserola. Lagyan ng tubig para pakuluan. Lagyan ng asin (rock salt) pagkatapos buksan ang TV. Bakit TV ? Para manood ng nakakainis na TFC programs. Kailangan ko pa bang sabihin kong buksan ang inyong stove. Siyempre sisindihan ninyo,noh.

Hayaang kumulo. Patuloy ang panonood. Pag may naamoy kayong nasusunog, saka lang kaskasin para umalis ang pagkakadikit. Lagyan ng kaunting manteka, magsunog ng bawang na dinikdik ng pinong-pino. Tikman. Pag kaya nang sikmura ninyo, kainin pero huwag na kayong maghanap ng damay.

Waaah.... Ano ba kayo, wala ba kayong sense of humor. Hindi ako masarap ? Teka paano ba ako makakatalon dito bago nila sindihan ang stove.

The Ca t

4 Comments:

At 3:24 PM, Blogger ting-aling said...

Cat, butihing opis girl din ako at pultaym wife (as far as I know ako pa lang wife ng hubby ko) dito sa west coast, bahala ka na kung saang west coast. Pareho tayo ng propesyon, nagbibilang or binibilang at ang aking link ay www.kuwentong-buhay.blogspot.com. Obviously, these names (ting-aling and kuwentong-buhay) were chosen at the wrong time..either galit ako or galit na galit talaga ako kasi lahat ng pangalan nakuha na ng mga bloggers.

 
At 4:09 PM, Blogger ting-aling said...

PS Ca T, sarap gawing siopao yung pusa mo. Mabebenta ko yan sa Filipino store hehe (negosyante na, cook pa)

 
At 1:56 AM, Blogger Sassy Lawyer said...

Sasabihin ko sana, baliw ka talaga Cathy. Tapos nabasa ko yung post ni Ting-Aling tungkol sa pusa at siopao at hay... dalawa na kayong baliw hahahaha

 
At 6:38 AM, Blogger cathy said...

ting,
kasi naman wala akong makuhang background mo. saka noong una kitang nabasa, hindi pagkain.

C,
may alinlangan ka pa ba? Huwag kayong magpapakita sa akin
personal ng wala kayong Tums, kakabagan lalo kayo dahil with matching action pa.
hehehe

 

Post a Comment

<< Home