Monday, November 29, 2004

Sino Ka ?

Dear Mouse,

Hindi siya nanakit, hindi siya nagsasalita.

Ano kaya ang iniisip niya ?

Mula kay Polo.

Ito po ang tula na kasama sa larawan.

Banig ko ngayong gabi ang sementong ayaw hiwalayan ng nalilibugang alikabok.

Kumot ko ang usok, ng lansangan. Kasiping ko at katabi ko sa pagtulog, ang mga lamok.

Hindi ko sila itataboy at hindi nila ako pandidirihan.

Mangingibig silang hahalik sa nagnaknak kong talampakan.

Walang radyo na aawit ng banyaga para aluin sa papaantok ng gabi.

Ihehele ako ng busina at pagmura ng ayaw matulog na kalsada.

Bukas ay lilipat ako ng ibang basurahang matutuluyan.

Muli bago ako maidlip, pupunasan ko muna at patutuyuin ang banig kong iyong pinag-ihian.

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home