Friday, November 26, 2004

Garage Sale

Dear mouse,

Marami akong natutuhan sa aking propesor sa Management Accounting. Kunektado siya noon sa bangko Central at marami siyang kuwento na wala sa foreign-authored naming libro.

Kung buhay sana siya ngayon ay maririnig ko siyang magcomment ng:

@#$ina naman. Marami na naman ang makikina- bang nito.

DBP to sell up to PhP12-B bad loans

The bank is looking at disposing P10 billion to P12 billion worth of nonperforming loans (NPL) and those classified as real and other properties owned or acquired (ROPOA). The bank plans to hire a financial adviser to assist in the preparation of its nonperforming accounts portfolio for eventual sale to a special purpose vehicle (SPV) for a six-and-a-half month contract with a budget of P21 million for base fees.

Pag tinanong mo kung bakit, ito ang sagot niya:

Alam mo bata, may mga kumpanyang baon sa utang na hinahayaan na lang ang kanilang mga collateral na maforeclose. Tapos hihintayin nilang i-auction ito o ipagbili ng bangko sa mas murang halaga.

Ibang kumpanya na ang ginagamit nila sa pagbili.

Itatanong ninyo sa aking kung paano.

Ewan ko, uwian na noon at nagmamadali akong umuwi.

Patay na rin ang propesor ko. Namatay sa cancer.

Ang alam ko, yong boss ko sa isang auditing firm, nakabili ng isang printing company sa ganitong paraan.

Kung baga sa karaniwang tao, garage sale, wala ng lang garahe.

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home