Tuesday, August 24, 2004

The Diary of the Radical Chef--NOT

Dear Mouse,

This is one diary that I would love to read from Sassy-- a diary of a Filipina is who married to a Kano.

Araaaay naman eh. bibiro lang ang Pusa.

MONDAY

Unang attempt kong magluto.Gusto raw niya ng cake. Nakita ko yong recipe para sa angel cake. Sabi ng recipe beat 12 eggs separately. Apat lang ang bowls ko kaya nanghiram ako sa kapitbahay ng walo pa.

TUESDAY

Sabi ng asawa ko gusto niya ng fruit salad. Inulit pa niya na "serve without dressing". Uhhm pilyo talaga ang asawa ko. Kaya kahit maginaw naghubad ako bago siya dumating. Tinamaan ng kulog, kasama pala niya ang boss niya.

WEDNESDAY

Namimiss ko ang bigas kaya nagluto ako. Sabi ng instruction sa balutan ay " wash thoroughly before steaming the rice". Kaya naghugas ako ng ilang beses kahit naligo na ako ng magang-maga. Sobra namang linis nila dito.

THURSDAY

Sabi ng asawa ko salad na naman daw. Naghanap ako ng bagong recipe. Sabi ng recipe, " prepare ingredients, then toss on a bed of lettuce one hour before serving."Nagtaka tuloy ang asawa ko bakit may gulay sa kama.

FRIDAY

Nakakuha ako ng recipe para sa cookies. Sabi eh, " put the ingredients in bowl and beat it." Matutuwa ang asawa ko nito, natandaan ko yong sinabi niya doon sa kaniyang pinsang makulit, beat it man. Takbo yong pinsan. Kaya tumakbo rin ako.Walang nangyari doon sa ingredients. Siguro isa pang takbo. Baka pagbalik maayos na yong recipe.

SATURDAY

Dumating ang mga biyenann ko at may dalang manok. Sabi ng aking asawa " dress it for Sunday ". Pusa magandang damitan, pero manok ???? ahmmm

SUNDAY

Sabi ng asawa ko gusto raw niya ay roast para sa hapunan. Wala naman akong makitang may markang roast doon sa refrigerator.Pero may nakita akong Roast doon sa oven. Ahaa. Kumuha ako ng isda at inilagay ko sa oven. Pinihit ko yong oven sa Roast. Bakit ayaw nila ng inihaw na isda?

GOOD NIGHT DEAR DIARY. Bukas ay pinabibili ko ang asawa ko ng mas malaking oven. Gusto niya kasi ng Chocolate MOOSE.

The Ca t

source: brader's e-mail in English

9 Comments:

At 3:11 AM, Blogger Jun said...

This comment has been removed by a blog administrator.

 
At 3:33 AM, Blogger rolly said...

Unang banat pa lang, natawa na agad ako ng malakas. Napasaya mo ko after almost six hours of gruelling meeting with the Principal's council. Tanggal kagad pagod ko. Thanks ha.

 
At 4:50 AM, Blogger Sassy Lawyer said...

Ang husay mo talaga! Wala kang katulad. Matapos ang malupit na 24 hours na sunod-sunod na palpak, ikaw ang blogger na nagpapa-alis ng init ng ulo ko. hahaha

 
At 8:51 AM, Blogger BatJay said...

paano na yan... may chinese dish dito na ang pangalan ay "buddah jumps over the fence" (or something to that effect).

mahirap atang kainin yon.

 
At 5:35 PM, Blogger cathcath said...

tenks titorolly,

c,
kaya nga sinulat ko ito para patawanin ka. Hindi
ko lang alang link na gagamitin. Minsan sarado pa
ang pinto mo sa houseonahill. Kailangan pang magdoorbell.

batjay
hehehe

 
At 1:34 AM, Blogger Matapoor said...

LOL ayan, nahalata na naman ako ni bossing na hindi ako nagtratrabaho! aliw!

 
At 4:24 AM, Blogger Sassy Lawyer said...

Anong sarado? Tekkaaaaa, nao-offline ba ako? Except yung palpak na upgrade ko?

 
At 11:38 PM, Blogger Rache said...

hahaha... super funny. :)

 
At 3:18 AM, Anonymous Anonymous said...

Nahihilo ako, may lagnat kasi ako e, bumili ako ng Tempra­®, nakalagay sa bote "Shake Well Before Using", nalalag na lahat ng barya sa pantalon ko, pwede na bang inumin yun? -Pusakal

 

Post a Comment

<< Home