Thursday, September 16, 2004

Earthquake-Lumindol man o bumagyo

Dear Mouse,

Lumindol man o bumagyo, ay hindi magiging sagabal upang ikaw ay aking dalawin.

Korni ba? Yan ang mga salitang naumutawi sa mga lalaking nagnanais mapasagot ang minimithing liyag. (lalim ng Tagalog ko, noh. Pakisisid nga).

Pero napatunayan ni Sassy yan sa kaniyang SO.

Lumindol man o bumagyo, pag ako ay antok, buhusan mo man ako ng tubig,matutulog pa rin ako. (hakhakhak...magagalit sa akin nito si Kumander Diyeta ni Sassy). Patawad, sir.

May mga isinulat po si Sassy tungkol sa lindol sa mga do’s pag may lindol.

Sa akin pong karanasan sa lindol sa Pilipinas, mayroon po akong idagdag.

Yon huling lindol na naranasan ko sa Pinas ay sa ikalabindalawang palapag.

Nanonood ako ng presentasyon ng dalawang international istudyents ng kanilang thesis doon sa thesis adviser nila. Kaibigan ko yong kaibigan nila kaya, sama rin kami.

Malaki ang conference room kaya pinaupo rin kami sa upuan na may gulong. Parang gusto ko tuloy maglaro.

Biglang lumindol.

Una mahina.

Naku ,lumalakas.

Gumulong yong upuan sa kaliwa.

Gumulong sa kanan habang lumilindol.

Para akong naglalaro.

Nahawakan ko yong isang istudyent na nakatayo, sumama tuloy siya sa paggulong ko.

Lampa.

Tip number one. Siguruhing lalaki nga ang hinahawakan ninyo para hindi kayo parehong umiiyak sa takot. Sarap kurutin.

Naalala ko na kailangang pumunta sa ilalim ng table para ligtas.Yon ang aking ginawa. Pero karamihan sa mga istudyents na mga pareyners ay nandoon sa ilalim. Nakipag siksikan din ako.

Tip number 2. Laging magdala ng perfume spray. Hindi ninyo alamm kung kailan kayo makakasiksikan sa mga pareyners na hindi mahilig maligo. Baho.....Kung hindi ako nabagsakan ng mga mabibigat na bagay, baka kung tumagal yon, kailangan ko rin ang artificial resuscitation.

Ang lindol ay tumatagal lang ilang minuto, pero akala mo ay napakatagal habang nangyayari.

Tip number 3. Tumigil sa isang lugar na malayo sa mga maaring bumagsak. Huwag mag-ala Darna kung babae o kaya Captain Barbell kung lalaki. (remake na ho yong kina Vilma at Edu) kagaya noong propesor na tumayo nga sa ay pinto at nagsabi nang “Don’t panic “ ay mukha naman siyang maiihi sa takot.

Ang kaniyang kasama naman ay tumayo sa may bookcase na akala mo ba pag bumagsak ay kaya niyang saluhin. Eh mgailang buto lang naman ang lamang niya kay Palito.

Isang payo ang ibinigay sa amin ng titser namin sa gred iskul na lagi kaming magdadala ng biscuit sa bag namin para kung kami ay stranded o kaya ay nalibing ng buhay sa gumuhong building, mayroon kaming kukutkutin. Naalala ko ang aking biscuit.Binibilang-bilang ko ang mga piraso. Tiningnan ako ng katabi ko sa ilalim ng mesa. Tinago ko. Ano siya nababaliw, aking lang yon ano. Mentally,inestimate kong aabot lang ng apat na araw. Next time siguro magdadala ako ng isang karton palagi.

Tip number 4. Magdasal. Yong katabi kong parayner parang nanaghoy. Tinanong ko kung ano ang ginagawa niya.Sabi eh, I am praying to my God. Oy damot din niya.God daw niya. Eh Diyos ko rin yun ah.

Dasal naman noong isa kong kaibigang playboy, ma-save lang daw siya, hindi na siya mambabae.

(Siyanga pala, nakita ko pagkatapos ng ilang buwan, ang kaibigan ko iba na naman ang kasama). Pinaalalahanan ko siya sa pangako niya.

Sabi niya, ang pangako niya, hindi na ako mambabae, pero hindi ko sinabi na hindi na sila manlalaki.

Sarap ihulog sa ikalabintatlong palapag, pero wala namang ikalabintatlong palapag ang building na yon.

Tip number 5.Mag-aral magbaging para kung natrap sa mataas na palapag, maaring gumamit ng mahabang tali para bumaba.

The Ca t

2 Comments:

At 10:23 PM, Blogger Sassy Lawyer said...

Ang lupit talaga ng mga cat pics mo, Cathy. Idol!!!

Pero, teka, ano ba talaga yung SO...??

Di alam ni Kumander Diyeta na bida sya sa lindol post ko hehehehe

 
At 7:29 AM, Blogger cathy said...

Significant Other. Katambal sa Puso.

 

Post a Comment

<< Home