Wednesday, September 22, 2004

Tagalog Idioms

Dear mouse,

Marahil mga istudyent ang napupunta sa aking site. Padala sila ng Google at Yahoo. Iba yong padala ng pinoyblog, sassy, tambay, mq3,doc emer,resty,jobert at ng iba pang referrers. Cinecheck ko ang mga searches ko sa aking sitemeter at marami ang naghahanap ng Salawikain, bugtong,at tagalog idioms.

Kaya bibigyan ko sila ng mga salawikain, bugtong at tagalog idioms (Walang tagalog ito) paunti-unti. Sa ngayon ay ang mga salitang may Dila.

bulaklak ng dila

Tamang Tagalog : pagsasabi ng labis sa katotohanan

Tagalog na astig: Uber,uber.

Sa English:exaggerated (flower of the tongue)

Use bulaklak ng dila in a sentence:

Siya ay may bulaklak sa dila ng sabihin niyang angkagandahan ko raw ay katulad ng buwan.

The Ca t sez: Pitasin ang bulaklak na yan.Boinkkkk .Kailan pa naging maganda ang buwan. Hmmppp

matamis ang dila

Tamang Tagalog: mahusay mangusap

Tagalog astig : bolero

English: sweet-tongued person

Use matamis ang dila in a sentence.

Matamis ang dila ng bago kong kakilala dahil sinabi niyang kahawig ko si Britney Spears.

The Cat sez: Palagay ko hindi dila niya ang matamis, Malabo lang ang Kaniyang mata.

makati ang dila

Tamang Tagalog: madaldal,hindi makapagpigil magsalita tungkol sa kapwa

Tagalog astig : Taratitat, tsismakera, tsismosa

English: one with itchy tongue

Use makati ang dila in a sentence.

Makati ang dila ng movie reporter na gawa-gawa lang ang pagbubuntis ni Madam Auring.

The Ca t sez:

Are you talking to me ?

maanghang ang dila

Tamang Tagalog = kung magsalita ay hindi kanainais

Tagalog astig: bastos

English: spicy-tongued person

Use maanghang na dila in a sentence.

Maanghang ang dila ni Senador Miriam Santiago nang sinabi niyang, dapat isilya electrika ang mga taga NAPOCOR na nagbabaon sa atin sa utang.

The Ca t sez: Kailangan mapakain pa ng Bicol Express si Senadora. Hehehe

sanga-sangang dila

Tamang Tagalog : hindi nagsasabi ng katotohanan

Tagalog astig: sinungaling/ layer ooops

English :liar

Use Sanga-sangang dila in a sentence.

Inakusahan ni Senador Miriam Santiago ang kaniyang karibal sa pulitika na si Fidel Ramos na may sanga-sangang dila tungkol sa Smokey Mountain low-Cost housing project.

The Ca t sez: Ang sanga-sangang daan ay nakaliligaw, sanga-sangang dila pa kaya?

kaututang dila

Tamang Tagalog: kau-kausap

Tagalog astig: katsismisan

English: farting tongue

Use kaututang dila in a sentence.

Ang mga kaututang dila ng mga nag-aakusa kay Garcia ng GSIS ang nagsabi marahil Na umutang ito ng 12 million habang ang sweldo Niya sa isang buwan ay isangmilyon na.

The Cat sez: Sana ang mga kaututang dila ninyo ay magtae para lalong lumabas ang baho ng mga GOCC execs.

Hinayupak sila, ang mga karaniwang empleyado ay hirap na hirap mangutang sa GSIS.

matalas ang dila

Tamang Tagalog: masakit mangusap

Tagalog astig: nang-aasar

English: sharp-tongued person

Use matalas ang dila in a sentence.

Sabi nila matalas daw ang dila ko.

The Ca t sez: Ah ganon, mahasa pa nga.

magdilang anghel

Tamang Tagalog: - magkatotoo sana

Tagalog astig: Harinawa

English: Amen

Use magdilang anghel in a sentence.

Sabi ni Madam Auring doon sa movie reporter na sana ay magkaroon pa sila ng baby ng kaniyang 15 taong boyfriend ay magdilang anghel sana siya.

The Cat sez: Nasaan ang anghel na yan at maputulan ng dila. (hehehe, nagbibiro lang ho.)

The Ca t

3 Comments:

At 7:11 AM, Blogger batjay said...

siyempre, ang pinakgusto ko sa lahat ay ang "farting tongue". kahit iya'y salitang english, pinoy na pinoy pa rin ang dating. sino ba naman kundi tayong mga pinoy ang makakaisip ng "farting tongue"

sabihin mo ito sa mga hindi pinoy ay siguradong hindi matatawa. pero sa pinoy ay BWAHAHA - farting tongue. what a way to describe someone to have a conversation with.

 
At 9:54 AM, Blogger Dr. Emer said...

Peborit ko ang magdilang anghel, pero sa kaso ni M. Auring, ito ay nagiging kathang-isip na lamang at di dapat paniwalaan.

=)

 
At 2:32 AM, Anonymous Anonymous said...

Your sentences and translations are grammatically incorrect.

 

Post a Comment

<< Home