Wednesday, August 25, 2004

Not FAQs

Dear Mouse,

May nagtanong sa akin kung may tamaditis ako dahil isa lang ang post ko sa mahigit na 24 oras. Mayroon akong wag-kang-magkakamaling- tumingin-o-magtanong-at-makakatikim-ka-sa-akin- patay-kang-bata ka syndrome.Subukan ninyong tanungin ako. Tanungin ninyo ako. Tanungin ninyo ako-koh-koh-koh (echo dahil sa katahimikan) Takot lang nilang magtanong hehehe.

Unang dahilan-- mailman. Tuwing magbabakasyon yong Filipino, alam ko magkakalintek-lintek na naman ang mails. Last year, muntik ko nang sulatan ang sarili ko para lang masigurong may nakakaalala sa akin. Kahit junk mails pagtitiyagaan ko nang buksan bago gutayin

Ngayon, yong package galing sa brader ko sa Rome ang hindi naideliver dahil wala raw ako.Tumawag ako sa Post Office para ipadeliver. May bilin pa ako na press the buzzer para makuha ko yong package dahil hindi kasya sa mailbox.

Martes

May kumatok. Mailman. Nakaigkas ang kilay ko nang inabot niya sa akin ang dalawang sulat. Guwapo sana kaya lang hindi marunong magbasa. Pinaskel ko sa mailbox,press the buzzer for PAGKAGE DELIVERY. Hindi raw niya alam ang tungkol sa package dahil iba ang postman kahapon. Hindi ko gusto ang ngiti niya. Hurmphhh.

Tumawag ako sa Post Office. Naibigay daw niya doon sa postman kahapon.

Kanina, may nagbuzzer. Oy hindi mailman kung hindi mailwoman. Binigay sa akin ang package. Tanong ko where are my mails ? Sagot niya, in your mailbox. Hanep talaga.

Ikalawang dahilan

Nagscan ako ng fitumfu at dalawang fictures sa aking scanner. Nang dinownload ko mula sa floffy, kahindik- hindik na preview not available at error in imaging ...ek ek.ang lumabas sa screen.

Mantakin mo yang fifty two. Nagkasakit-sakit ang aking kili-kili sa pag sasalang ng mga fictures sa scanner. Mga old fics kaya hindi pwede yong image transfer ko sa aking Sony MPEGMOVIEVX.

Pero hindi yan ang NOT FREQUENTLY ASKED QUESTIONS.kung hindi itong mga sumusunod.

Ito ang una :

Bakit tuwing nababalitang nasa crisis ang Pilipinas, ang balita tungkol sa deuterium ay lumalabas sa pahayagan.

Ito ang ikalawa: Tanong ni Sassy, kamatis daw ba o sayote?.Palagay ko lalaking sayote. Obvious ba? Sana huwag pitasin ng may-ari at pabayaan na lang maluoy, tapos retratuhin ulit. yekyekyek

Ito ang ikatlo:

Tanong kay Batjay kung bakit daw yong kamag-anak ay di pa nag-aasawa.

Mayroon ding aking kaibigan na madalas tuksuhin noong dati niyang karibal na asawa na ng babaeng sumiphayo sa kaniya sa kasalang pareho silang naiimbitahan.

"Ikaw kailan ka susunod ?" ang tanong ng karibal at sabay ang halakhak. Nagkita sila ulit sa libing ng ama ng babae. Tanong naman ng kaibigan ko. "Ikaw kailangan ka susunod ?"

Mataray di va?

Ito ag ikaapat:

Titorolly, nasaan pa ang ilang paintings ?

Ikalima kay Doc Emer

Have you been to Espana River?

May retrato ng mamang sa jet ski.

Ano kaya kung makita natin ang Noah's Ark na lumulutang sa Espana o kaya may pating na lalangoy-langoy?

What, who to blame for the deaths of the children in the flood caused by the monsoon rain?

Sino nga kaya ?



Ikapito ay kay torn and frayed

He wrote:

MacArthur landed at Leyte's Red Beach on October 20, wading because his craft hit a sand bar; and he liked the photo-opportunity so much he repeated the wade on White Beach the next day for the whole press corps. [Karnow has it that the re-enactment was “in Luzon”]

This is the picture taken by Carl in Lingayen Gulf,Pangasinan on January 1945. According to him, " In January 1945 I was the only press photographer aboard General Douglas MacArthur’s command ship as he prepared to invade Luzon, in the Philippines.



And this must be the reenactment? Take note that there was no ship in the background. ?

This is the monument of the landing located at Mac Arthur's Park in Leyte.



Ikawalo ay kay torn pa rin.

I haven’t read what American Caesar has to say about the photograph – if you have, please leave a comment. I’d be interested to know.

As Manchester himself notes in his preface, everything MacArthur did was done with an eye to posterity: there was not a single photo in which he didn't conciously affect a pose; he uttered not a single word, not a single speech and not a single memo, that could be called "off the cuff" or candid. He created his own self-image: rigid, correct, brave, proud, uncompromising, and he unfailingly sought to fulfil it.(american Caesar)

The Ca t

5 Comments:

At 3:53 AM, Anonymous Anonymous said...

hmmmm...parang maganda itong mga blogs dito...siguro pati na yung may-ari?..balik ulit ako rito bukas.

 
At 6:11 AM, Blogger rolly said...

hanep yung tomato/sayote ni Sassy, no? Di kaya galing sa stem cell yun para pang transplant? At yung jet ski ni Doc Emer sa baha.

 
At 11:15 AM, Blogger Sassy Lawyer said...

Tatandaan ko yun, every move should be calculated for posterity.

On second thought, 'di ko kaya ikamatay kung gawin ko rin 'yun?

 
At 5:06 PM, Blogger Dr. Emer said...

Wagna sanang masyadong mainit ang ulo mo dyan sa mga mailmen. Ganyan talaga mga yan. Pagpasensyahan mo na.

Hanep talaga ang baha dito sa Maynila. Mapapahiya ang Venice. Malabon pa lang, tapos na sila. :)

 
At 6:41 AM, Blogger cathy said...

nakita ko si Fernando, dinidredge ong mga estero. Kailangan diyan disicplina ng mga tao sa pagtapon ng basura nila.

 

Post a Comment

<< Home