Thursday, September 16, 2004

Si Madam Auring, Si Xp, Si Prem at si Gelo Ancheta

Dear Mouse,

Isa na lang at pantay na si Madam Auring kay Patricia Evangelista sa dami ng hits sa aking blog. Marami ang nagtataka siguro kung sino si Madam Auring. Maraming e-mail sa akin galing sa mga old timers na rito sa Estet ang nagtatanong tungkol sa Madam na ito. Ito ang kaniyang retrato pagkatapos ng 1001 surgeries ala Michael Jackson.

Dati po siyang kapitbahay ng aking tiya sa Sampaloc. Dati siyang beautician na pinagkalooban daw ng power para makita ang kapalaran ng isang tao.

Isa sa mga marketing strategy niya ay hikayatin ang mga nagpapatrim, etc. na magpahula sa kaniya. Sabi ng aking tiya ay sumisingil siya ng 150 pesoses habang ang mga iba ay 20 pesoses lang. Ang ibig sabihin nito ay binigyan niya ito ng mataas na value dahil sa marketing, kahit magaling ang producto, kung hindi mo ito ipopromote at hindi mo bibigyan ng value ay hindi ito papansinin. Lalo kung ang mga consumers ay inassociate ang quality sa price.

Katulad din nyan ng kuwento ng isang ambulant vendor sa Quiapo. Iyong isang producto niya ay prenesyohan niya ng 10 pesoses. Parehong productong inilagay sa plastic at sa box, prenesyohan niya ng 50 pesoses, mas mabili yong 50.

Kagaya rin niyan sa pinag-uusapan nina XP, Prem at ni Gelo na FOSS.

Sabi ni Xp, ang quality ng producto ang kusang magbebenta nito. "FOSS stands on its own and its adoption by companies are purely based on merit and quality." Ano word of mouth or endorsemet ?

Ang idea naman ni Gelo ay ang user-friendliness ng producto at ang after sales tech support.

The Ca t sez: Pag libre o mura hindi pinapansin.

Yan ang kaibahan ng marketing person at ng techie. Ang una ay makakabenta ng memorial lot sa buwan, samantalang ang huli ay hindi makakabenta kahit na gaano kagaling ang kaniyang producto.

Maraming invention na magagaling ang hindi nailulunsad sa market hindi dahil sa hindi sa magaling sila kung hindi dahil papatay sila ng productong nasa market na.

Hindi sapat ang ilaunch lang ang bagong producto. Kailangan ding protektahan ang market share nito. Dito nagkakaroon ng mga concessions sa mga users. Dito maraming donations ang Microsoft ng mga computers para sa mga iskool at libraries all over the world. Ang kaniyang billion dollar na charitable foundation ay di nagpapakain ng mga nagugutom, kung hindi namimigay ng mga producto o kaya ng mga grant na sa bandang huli ang kanilang kumpanya rin ang makikinabang.

Balik tayo kay Madam Auring. Ang staying power ni Madam Auring ay hindi ang kaniyang mga prediksiyon kung hindi ang kaniyang publicity na karamihan ay negative. Wala naman siyang positive publicity kasi.

Ang sigarilyo man kahit demarketing ang ginagamit, mabili pa rin.

Balik ulit tayo kay Madam Auring.

Hinulaan niyang mananalo si GMA dahil sabi niya aatras sa Fernando Poe.

Hinulaan niyang mamahalin siya ni Victor Wood. Isang 15 year old ang nagayuma niya.

Hindi niya nahulaan na makukunan siya kahit mahigit na animnapu na siya sa eda.

Ngayon hintuan na ninyo ako, noh.

The Ca t

10 Comments:

At 6:19 PM, Blogger rolly said...

Talagang that is one for the books, ano! Nabuntis? Are we being taken for a ride? hindi ko mahalata e, hehe

 
At 6:49 PM, Blogger Tanggero said...

Kahit lasing ako, di ko papatusin to! Magkamatayan na, Hik!

 
At 7:30 PM, Blogger BongK said...

meron noontime game show noon (i just cant remember exactly the name)na ang contestants ay mga kilalang manghuhula. Papahulaan sa kanila ang sagot sa isang trivia and madam auring, one of the contestants, was the first to be eliminated, di ko maalala ang tanong pero when she answered the trivia, lahat ng tao sa studio, pati ang mga hosts ng show, ay naghagalpakan sa katatawa

 
At 10:18 PM, Blogger Sassy Lawyer said...

Alam mo, naniniwala ako dyan sa packaging: that it enhances value. NOT intrinsic value pero yung perceived worth ng produkto.

Mga babae sa Pinas, hilig magpa-derma. Libu-libo ang ibinabayad. Ginawa ng friend ko na nagtatrabaho sa isang pharma company, kinilala ang mga supplier ng mga cream at lotion ng mga derma, at sa supplier kami kumukuha directly. Less 75% yung presyo. Pero, yung mga iba naming friends, sa derma pa rin kahit mahal. Parang status symbol ba... kung mahal, mas magaling. Sira ulo talaga minsan ang mga tao.

 
At 12:08 AM, Anonymous Anonymous said...

mga 10 or 20 years from now, kamukha na ni Madam Auring si Keanna Reeves. Hehehe.

 
At 6:34 PM, Blogger Resty Odon said...

cat-cat, si gelo nagsabi nun or someone else, hindi ako, hehe. TH techie lang ako, hehe

 
At 10:00 PM, Blogger cathy said...

titorolly,
huwag lang siyang mawala sa balita,kahit siguro magsuicide yan kuno, gagawin niya.

Hindi na naman siya mabenta sa fortune telling.

 
At 10:01 PM, Blogger cathy said...

Tanggero,
Hindi sa lasing kinukuha yan, sa gayuma. Loko, maglasing
ka, aka yong alak ang lagyan niya ng gayuma.

 
At 10:06 PM, Blogger cathy said...

C,
Totoo yan. Noon nasa Pinas ako,ang pabango ko by grams ang bili ko thru a chemical importing company.


Fragrance lang yon na generic lang naman galing sa France. Pagdating sa bansa, rinerebottle at nilalagyan ng kaniya-kaniyang label eh pareho lang naman ang amoy.

 
At 10:08 PM, Blogger cathy said...

Bong,
Inamin niya na mababa ang pinag-aralan niya, pero may mga walang pinag-aralan naman na hindi binabastos ang
kanilang personalidad.

 

Post a Comment

<< Home