Wednesday, October 27, 2004

Bakit ba?

Dear Mouse,

Bakit ang mga TV host natin o kaya invited guests sa morning show ay mga naka evening dress ?

Kulang na lang sa kanila ang mga taong may dalang kandila para magmukha silang sagala sa santakrusan.

Pakigulo nga ang aking kilay.

Bakit yong mga D Bodies, binastos ang mga nurses sa pamamagitan ng pagsuot ng seksing puting uniform at ng cap.

Hindi ba nila alam na sacred sa nurses ang cap na yon at may capping ceremony pa sila pag may karapatan na silang suotin yon.

Pakisabunutan nga.

Bakit nga kasi ako nanonood pa sa mga ganitong show?

Pakibatukan nga ako.

Bakit ang tagal nawala ang blogger?

Miyaw, miyaw.

The Ca t

2 Comments:

At 8:22 PM, Blogger Sassy Lawyer said...

Anak ng tokwa, kahapon pa ako di maka-post ng comment dito, ah!

Ang timely ng entry mo. Kakakita ko lang kay Ruffa Mae Quinto sa isang morning show, naka-cocktail dress with uneven hemline.

 
At 11:20 AM, Blogger cathcath said...

ako rin di makapagpost.@#$%^

 

Post a Comment

<< Home