Bayani?
Dear Mouse,
Kamakailan, napanood ko sa TFC ang awarding ceremony ng Genie Lopez, Bayaning Pilipino.Oo, Birhinya, huli siyempre kami sa balita.
Wala akong masabi sa mga piniling mga finalists na galing sa Pinas. Lahat sila ay dapat magkamit ng award.
Nahihiya ako sa sarili kung ikukumpara ko ang ginagawa ng ating mga kababayang ito.
Subaliāt yong mga finalists nilang galing sa Estet, ay tumaas ang aking kilay.
Huwag ninyong isipin na may alam ako sa kanila o sila ang pinatutungkulan ko.
Ang nanalong si Francis Padua Papica ay dapat talagang manalo dahil sa kaniyang mga proyektong pagbibigay ng scholarship sa kaniyang mga kababayan.
Ang aking pinatutungkulan ay ang mga Pilipinong itinuturing na bayani dahil lamang sa nakapagtayo sila ng negosyo sa Estet lalo na ang mga board and care o kaya ay mga nursing homes sa matatanda.
Marami, HINDI KO NILALAHAT, ang mga Pilipinong ito ang umaabuso sa kanilang mga kababayan. Sa suweldong $ 500 o $ 600 a month na napakaliit kung ituturing na ang kanilang trabaho ay higit sa walong oras, nakukuha pa nilang iblackmail ang mga taong walang papel na pinapayagan nilang magtrabaho sa kanila na isusumbong sa INS sa oras na sila ay magreklamo.
Dapat siguro ay hindi lang rekomendasyon ang kanilang pinagbasehan kung hindi ang masusing pag-iimbestiga kung ano talaga ang naitulong nila sa bansa.
Kung ay dahilan ay ang pagkakaroon ng negosyo, marami tayong Pilipino na naging matagumpay na hindi kailangang manglamang sa kapwa Pilipino.
Pakipitik nga ang ilong ko.
Ayan, X-p,hindi na nakakatakot yan.
The Ca t
1 Comments:
haha. alam mo, may kakilala akong mga chanco, tito ni patricia.
Post a Comment
<< Home