Sunday, January 02, 2005

Ito na ang mga prediksyon ni Jojoke Acurin

Dear Mouse,

Acurin: May dalawa pang haligi ng pelikula ang mabubuwal sa 2005.

The Ca t sez:

Baka matanda at may anay?

Acurin: May mga maglilipatan sa kabilang kampo ng administrasyon.

The Ca t sez

Anong bago,pag hindi napagbigyan sa kanilang mga kahilingan.

Acurin:

May malaking assassination na mangyayari na ikagigimbal ng bansa.

The Ca t sez:

Anong bansa yon?

Jojoke Acurin: Di hintayin mo kung saan magaganap. Kulit eh. hmp. Gusto mo bang ituloy ko ito?

The Ca t sez: Oke, oke.

Acurin: May isang kilalang mamamahayag ang babawian ng buhay dahil sa isang sakit.

The Ca t: Pangalan, hmm?

Acurin: Gusto mo akong ipahamak ano?

The Ca t: kasi hula-hula kayo ng hula at pay may namatay nga, sasabihin ninyonhg iyon na ang hula ninyo. hmp

Gusto mo bang ituloy ko ito o itatapon kita sa labas, pusa ka.

The Ca t : oke, oke.

Acurin: Mayroon isang sikat na TV personality na lilipat sa kabilang istasyon.?

The Ca t: Ahaaa kilala ko yan.Si Korina Davila ba?

Acurin: Sino yon?

Isang sikat na artistang babae ang madedeport sa Pilipinas dahil sa druga.

The Ca t: Ahaaa, kilala ko siya. Maliit siya di ba?

Acurin: Marami namang maliit na artista ah.

The Ca t : Super ang sagot mo. Star ka talaga. hehehe

Acurin: Isang pulitiko ang mahuhuli "in the act". Isang political strategy upang maalis siya sa eksena. Masyado kasing mapapel.

The Ca t: Uhmmm, bata pa ba siya?

Acurin: Hulaan mo.

The Ca t: Eh ikaw ang manghuhula eh.

Acurin: Eh pakialamera ka naman eh.

The Ca t: Suplado.Sige tahimik na ako.

Acurin: Maraming pera ang papasok sa bansa, hindi dahil sa ekonomiya kung hindi dahil sa may niluluto ang maraming kusinero. Ang problema na lang nila ay kung sino ang magiging chef pagkatapos.Dahil dapat daw ang chef ay lalaki at hindi babae.

The Ca t : Mahiwaga ang iyong tinuran, kaibigan. Anong niluluto nila. Kuldereta?

Acurin: Pinaupong Ulo ng Lechon.

The Ca t:Wala bang kalamidad kang nakikita?

Acurin: Mayroon, bagyo, baha sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto.

The Ca t : Talaga namang tag-ulan yon eh. Niloloko mo yata ako.

Acurin: Aba hindi. talaga namang may mga bagyo at dahil wala na ang mga puno, ang baha ay magiging mas matindi sa 2005.

The Ca t: Halimbawa, lindol o tsunami?

Acurin: dalawang malalakas na lindol ang yayanig sa bansang nagsisimula ang pangalan sa patinig (vowel) at sa katinig.(consonant).

The Ca t: labo mo talaga. Ang daming bansa ang nagsisimula ang pangalan sa patinig at katinig.Isang tanong na lang. Mananalo ba ako sa lotto?

Acurin: May isang pusa ang lilipad sa bintana.

The Ca t : Good bye. hehehe

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home