There must really be a God
Dear Mouse,
Mahilig ang aking special friend na Puti sa last minute. Para siyang di Kano. Pag sina- bing alas 4. yon ay alas seis.
Kahapon ay tumawag siya at sinabing darating upang makapagpanotarize kami ng affidavit niya bago siya lumipad patungo sa Boston sa Linggo.Kailangan ko ang papeles na yon sa Monday.Dito kailangan, yong mismong taong gumawa ng affidavit ang magpapanotarize. Hindi pipirmahan ng NP ang papeles kung wala ang tao na may sapat na IDs.
Tumawag na raw siya sa bangkong malapit sa akin at sinabing mayroon silang notary public. Hindi kagaya diyan sa Pinas na ang mga notary public ay nagkalat, dito ay may mga lugar lang sila kung saan makikita.
Tumawag din ako sa isang bangko na malapit sa aking lugar. Mayroon silang NP pero magsasara sila ng 6:00 pm.
Lumampas ang alas seis, wala ang anino niya. Nanonood na ako nang special footage ng tsunami na nakuha ni Cherie Gil nang siya ay dumating. Sabi ko sarado na ang bangkong tinawagan ko at bisperas ngayon kaya kahit ang mga income tax at real estate offices na may notary public ay sarado na rin.
Nagpilit pa rin siya dahil yon daw bangkong tinwagan niya ay bukas hanggang als siyete. Alas siyes kuwarenta na. Marunong akong magpasensiya. Hindi ako nagna-nag pag ganitong naghahabol ng oras.
Hige.
Tinamaan ng kulog, bukas nga pero walang NP. Galit sa Kano, bakit daw ganoon.Nagdrive pa raw siyang napakalayo para lang sabihan na wala. Iling lang ang mga tao doon sa bangko.
Sabi ko baybayin namin ang mga lugar kung saan maraming opisina ng mga real estate, insurance at bookkeeping/ accounting.
Wala.Kahit ang mga masisipag na mga Intsik na karaniwang nasa opisina hanggang alas nuwebe ay umuwi nang maaga para sa Bagong Taon.
Sino nga naman ang baliw na magtatrabaho ilang oras na lamang bago magbagong taon?
Nabaybay namin ang kahabaan ng commercial district na yon. Sarado na lahat maliban sa mga beauty parlor, laundromat, restaurants at isang lugar kung saan ang mga alcholic anonymous ay katatapos lang magmeeting.
Inis at galit na ang kasama ko. Kasalanan niya, mahilig siyang photofinish kahit kailan. Kailangan daw niyang makaalis sa Sunday pero kailangan din ang affidavit sa Lunes. Nagyaya na akong umuwi. Sabi ko, tingnan ko kung ano ang aking magagawa.
Kalmado lang ako na pinagtatakahan niya. Sabi ko ayaw kong ma-high blood.
7:58 dumaan ang kotse namin sa isang bookkeeping office na may sindi pa ang ilaw. Ahaaaa. pinabalik ko siya. Takbo ako sa pinto na salamin. Umiiling ang lalaking nasa loob. Binaliktad niya ang sign na open para gawing closed. Gusto kong basagin ang pinto. Sa isip ko lang. Masamang pag-iisip na hindi makakatulong. Mas maganda ang magpadala ng positive vibration na buksan ang pinto.
Binuksan niya at pinirmahan ang mga papeles na ibinigay ko. Wala siyang imik. Para siyang nahypnotized.Tuwang tuwa si Puti. Baka raw may nagawa akong mga pabor noon kaya ngayon naman ako ang pinagbigyan ng tadhana.
Sa kaniyang tuwa, binigyan niya ng dagdag na bayad yong NP. Ayaw niyang tanggapin. Magkapareho pa sila ng pangalan.
Paglabas sa pinto, sumigaw si Puti, na there must really be a God. Hindi ko pala nasabi na isa siya sa mga taong hindi naniniwala sa mga bagay bagay na hindi maabot ng lohika.
That is really a miracle. As if they are waiting for us.
Sa isip ko, maliit lang na milagro yan, ang ibang tao mas malaki pang milagro ang nararanasan.
Pero hindi nga ba may mga maliliit na milagro sa ating buhay na hindi natin napapansin.
The Ca t
2 Comments:
Cath i,
Baka naman ang anak ng puting iyan e me dugong pilino... dinaig pa ako samantalang ako'y isandaang porsyentong anak ng Pinoy. Kung nakapag-asawa man iyan ng Pinay sobra namang mag-imitate ng Pilipino habit, laging late...kaso siya masyadong leyt....heh, api nyu yir na nga lang sa iyo... Pero sa bandang huli, napapaniwala mo naman siya na meron Diyos, at ikaw rin pala nakompirma mong nandyan si LORD..God bless!
Tat z
I believe in miracles... big or small. Especially sa mga ganyang instances. pero true ka dyan. minsan nga, sa mga small miracles, kadalasan nga ay nane-neglect natin yun. at sinasabi ng iba, nagkataon lang daw.
Post a Comment
<< Home