Friday, December 31, 2004

Mga Balik-tanaw

Dear Mouse,

May kasabihan na ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay nagmamadali. ehek.

Kaya babalikan natin ang nakaraan bago sipain ng batang 2005 si Matandang 2004.

Sa Local muna

Sa Pulitika

In pa rin si GMA, nahalal siyang pangulo sa gitna ng mga protesta at mga tungayaw ng kalaban. In din si Ate Glow, out si Willie Nepomuceno as Erap. hahaha (tawang Ate Glow, na labas gilagid.

In pa rin si Erap dahil nakakulong pa rin siya pero sa magarang bakasyunan at pangulo pa rin siya ng Republika ng Pilipinas. (ayon sa kaniya at anak niyang si Jinggoy).

Mabuhay ang Republika ng dalawang tao.

In pa rin si Chavit Singson. Ninerbiyos lang siguro siya na baka magrebolusyon ang mga tagahanga ni FPJ at magkaroon ng people power kaya nauna na siyang magdedefect. Bawi ulit. Ganiyan lang ang buhay Birhinya.

In pa rin si Manapat, ang taong nagpeke ng birth certificate ni Fernando Poe, Jr.

Wala na raw ang mga witnesses.

Paano kaya kung nanalo si FPJ?

Mga Out na dahil namaalam:

Fernando Poe, Jr.

Nestor de Villa

George Canseco

Rio Diaz

Dely Atay-atayan

Katy dela Cruz

Mga out dahil nagkahiwalay:

Jomari at Ara Mina

Rosanna at Lito Molina

Kim at Dino

Sinosila?

Kris Aquino at Mark Lapid (meron ba talaga?

Rosanna Roces at Vicky Belo

Rosanna Roces at Lolit Solis

Korina at TV Patrol

MGA NABUKING

Keanna na hindi talaga 22 at mayroon ng anak na tinedyer

Anak ni Osang na buntis talaga

May anak si Sheryn Regis

Girl friend pala ni Jericho ay si Cindy Kurleto.

Pakialam ko ba sainyo.

Goodye sa mga sikat na tao sa buong mundo na nagpaalam na rin.

Yasser arafat

Akhmad Kadyrov

Ronald reagan

Boris Trajkovski

sheik zayed

peter ustinov

Julia child

Christopher reeve

marlon brando

francis crick-father of dna

estee lauder cosmetics

henri cartier bresson

The Ca t

2 Comments:

At 6:33 AM, Blogger bayibhyap said...

Happy New Year, Cat.

 
At 8:34 AM, Blogger cathcath said...

happy new year bhay...

 

Post a Comment

<< Home