Sunday, January 02, 2005

Mga Hula Ni Madam BATMAM

DearMouse,

Hindi patatalo si Madam BATMAM kay Jojoke Acurin. May hula rin siya sa mga TaoHayup sa Chinese zodiac signs.

Picbypolo

Rooster: 1921, 1933, 1945, 1957, 1969,1981, 1993, 2005

Dahil taon ngayon ng mga tandang, magiging sikat sila sa mga tupada. Mag-ingat lang sa mga lasingerong lulutuin kayong pulutan.

Dog: 1910, 1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994

Kayo pa rin ang magiging paborito ng mga taong gustong magkaroon ng alagang hayup.Kayo raw kasi ang best friend nila. Huwag lalakad nang nag-iisa sa mga may tambay. Asucena ang labas ninyo.

Pig: 1911, 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995

Hindi pa rin kayo matatalo pagdating sa pagkain. Ang lechon ay magiging in demand pa rin sa piyesta at mga binyagan. Pero wala pa rin kayong pag-asang maging sikat kagaya ni Babe.

Rat: 1912, 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996

Kayo ang pinakamahusay magtago at tumakbo. Ipagpatuloy ninyo.Baka sakaling madiscover kayo at maging sikat kagaya ni BEN.

Ox: 1913, 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997

Oks na oks kayo lalo sa mga steak. Mag-ingat lang sa mad cow disease.

Tiger: 1914, 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998

Magiging paborito ka pa rin ng mga bata, kasama si Pooh.

Rabbit: 1915, 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999

Kayo ang simbolo ng fertility kaya humayo kayo at magpakarami.Ingat sa mga hunter..

Dragon: 1916, 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000

Magiging in demand ka parin sa mga selebrasyon ng mga Intsik. Ingatan ang apoy sa bunganga. Baka makasunog.

Snake: 1917, 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001

Maraming nag-aakalang kasama mo ang mga ahas sa kongreso. Itatwa mo sila. Mag-ingat sa mga snake charmer.

Horse: 1918, 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002

Mananalo ka pa rin sa karera. Pag hindi, maari rin namang masingkaw sa karetela.

Goat: 1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003

Wala ka pa ring kupas sa nagluluto ng pinapaitan at kalderetang kambing..

Monkey: 1920, 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004

Ang dami pa ring gagaya saiyo para makaunggoy ng tao sa pamamagitan ng mga monkey business.Mag-aral magsalita para makasama mo sila.

At ikaw Pusa, tumaya ka sa lotto para manalo ka. Dasal ka ng dasal manalo, hindi ka naman tumataya.

The Ca t

4 Comments:

At 3:27 AM, Blogger Jobert said...

Oh eto. Pic ng Buddha Cat para sa Chinese Astrology mo...

http://data.4channel.org/p/src/1104692425691.jpg

 
At 7:19 AM, Blogger cathcath said...

selamat jobert.

 
At 2:20 AM, Blogger Sassy Lawyer said...

Eh ano naman ang prediction ng pusa para sa paniki? :)

 
At 7:42 AM, Blogger cathcath said...

Si paniki ay manginibang bansa na naman.
Siya ay lilipad-lipad.This time sa Europe naman. TandaAN mo yan paniki.

At saiyo namang waswit, na si Kumander, baka lumipad siya sa ibang bansa. Busines trip. Hindi kasama.hehehe

 

Post a Comment

<< Home