Friday, May 27, 2005

Abortion Pills, Black Candles, Condoms

Dear mouse,

Learn your ABCs dahleengs.

Let it be written that one mayor of Manila, Mayor Atienza in the year of the Lord 2005 declared war against ABC; abortion pills, black candles and condoms that he ordered the confiscation of the black candles (via Click-mo-mukha mo) from the Quiapo vendors and the arrest of vendors of contraceptives and abortion pills.Atienza also said he will revitalize a program against the selling and use of condoms.

Pakisabi nga sa mayor na ang malakas mag-abortion ay yong mga manghihilot.

Ang mga tinitinda sa Quiapo na sabing pampalaglag ay minsan pangparegulate ng mga may abnormal na reglatic kagaya rin ng contraceptive pill na minsan prenipriscribe ng doctor para maging 25 to 30 day- cycle yong mga babaeng minsan "naglalayag" sa PAcific Ocean ang kanilang buwanang dalaw, hindi dahil sila ay may biik na dinadala.

Tungkol sa condom. May bagong saltang pinay galing sa pinas na medyo may katangahan at ang concept nga niya sa condom ay para hindi mabuntis. May nakita siyang Filam na laging may dalang condom sa kaniyang bag lalo pag may date sila ng boyfriend niya. Tanong niya: bakit ayaw mong mabuntis?

Sabi ni Filam: and who gave you the idea that condom is only to avoid being preggy?

Sa akin naman ang concern ko ay yong pagpakumpiska niya sa mga itim na kandila.

Takot siguro siyang tirikan ng kandila ng mga vendor.

Sana pinakumpiska na rin niya yong mga kandilang pormang tao, babae at lalaki.

Yon din ay pwedeng sunugin para gantihan ang mga kinaiinisang tao. May nagdala sa akin nyan galing sa Quiapo, para daw sa mga Puting kinaiinisan ko.

Kala niya sa akin Mangkukulam. OOPs nahulog ang crystal ball. Mwehehehe.

By the way dito po sa US ay may mabibilhan ng itim,puti,pink,blue,green, purple candles of different shades sa isang tindahan na maari ka ring bumili ng mga kulam, anting-anting.

'No kanyo magdala kayo ng crucifix pagpasok. Huwag na dahil makakabili rin kayo ng mga krusipiho na galing sa iba't ibang bansa, mga Christian articles, buddhism and isms reading articles.

Meron din silang crystals at meron silang mga pendulum.

Pag pasok mo ay ibang feeling sa loob siguro dahil iba't ibang materials na nag-aatract ng forces ang nandoon. Nang dumaan ako sa hanging crystals ay nagsway sila. Tiningnan ako ng may-ari. You got something in you that made the crystals move. Sabi ko sa kaniya, you want that angel crystal to fly.

Ngeeee, naniwala naman siya.binigyan ako ng discount.

Sandali bakit tayo napunta sa CRYSTAL?

By the way bago ako lumabas, nahulog yong angel na nakasabit.

hihihihih

Tsarot ko lang yan.

The Ca t

2 Comments:

At 10:27 AM, Blogger infraternam meam said...

Fyi..Mayor Lito Atienza and his wife Beng is from the fourth district of Manila(i hope they are still there) and both are partners as dancers for a Bayanihan group. His wife Beng is a Bayanihan dancer from PWU. they are good dancers and they are also members of Cursillo in Christiandad. going to the the mayor's move to ban the black candles, this candle is used in the Satanic rites, together with the inverted cross. am I to understand that there are Satanic cult in Pinas. with regards to the stopping on the sale of condoms...i cannot understand why. there's so many children born out of wedlock in the phils. plus the population is growing tremendously on a small island like pinas my home. is'nt it better to have condom for safe sex and avoid aids? i think the move of the mayor against all of this is uncalled for. does he prefer unsafe sex and more illegitimate kids in the street. he needs to check Hospicio de San Jose and see all the abandon children the nuns have received that was dumped by their parents when they were babies.wow...i am involve again. hmmmmmm!!!!

 
At 4:40 PM, Blogger cathcath said...

frankly,
wala pa akong nakitang itim na kandila doon, pero dito meron. ang mahal pa. kaya kung may titirikan ako talagang yong matindi ang galit ko.
But I never entertained that thought.

Pinagdadasal ko na lang siya.
Lord, maawa po kayo sa kaniya.
Patulugin ninyo po siya.
Dahil ako ay mabait, ako na ang gagawa para sainyo.

Meron ba kayong posporo?
Toinkkkkkkkkkk aray nabatukan na naman.

 

Post a Comment

<< Home