Monday, May 23, 2005

Ang Parabula at Salawikain

Dear mouse,

I like Juan Flavier. I like his column where he writes parables.

Ako rin may parabula.

Isang garapata ang gustong makilala bilang pinakapopular na garapata sa kaniyang mga kasamahan.

Nag-isip siya kung sino sa mga aso ang kaniyang aatakehin. Nakita niya ang maliit na aso. Sabi niya sa sarili, ayaw ko ito, maliit, baka pag kinagat ko, hindi pa marinig ang tahol.

Nakita niya ang magandang aso na alagang- alaga ang kaniyang sarili. Hinahangaan tuloy siya ng ibang aso at ginawa siyang parang idolo pamarisan upang sila rin ay maging malinis at maganda. Hindi naman siya naging maramot. Binigyan pa niya ang ibang aso ng magiging laruan nila para sila ay magkasama-sama.

Pag ito ang aking inatake, magiging sikat ako. Yon ang inisip niya.

Ayaw niyang madumihan. Tiyak itong sisigaw at makikilala ako kung sino ang GARAPATANG ITO na nagpabagsak sa sikat na aso.

Pero, hindi siya pinansin ng Magandang Aso. Humingi siya ng tulong sa iba pang garapata. Mga garapatang galit sa mga ibang aso dahil hindi nila mapasok ang katawan. Hindi kasi ugali ng mga asong ito ang siraan ang kapwa nila aso. Naging paninindigan na nila na malinis ang kanilang laruan at walang mga duming kutyaan, sa katawan man o sa kanilang buntot.

Ngayon gusto ba ninyong sumama sa mga garapata ?

Ang ningas ng apoy, nasa uri ng kahoy.

The Ca t

7 Comments:

At 11:24 AM, Blogger ajay said...

Cat, ang galing..what a parable. Question: bakit aso at hindi cat? hehehe

 
At 11:34 AM, Blogger cathy said...

kasi ajay ang Ca t hindi inaatake ng garapata. hekhekhek

 
At 3:30 PM, Blogger tintin said...

garapata is a flea! i get it. ahem, sorry. galing ng parable.

 
At 5:04 PM, Blogger Mec said...

ahihi

baka naman pulgas lang sya, thinking na garapata sya and can actually make a difference?

 
At 1:00 AM, Blogger infraternam meam said...

a similar parable also goes with a group of dogs.

there are these group of dogs, that has plenty of fleas, and they are busy taking care of themselves, removing the fleas in their bodies. you won't hear any noise and howling, because they have to remove the pestering fleas from their body.

there is this group of clean dogs, whose preoccupation is to howl, and growl and bark on all the passers by. because they are so clean and they don't have any fleas to take care of--that is the reason, they have nothing to do but make noise and bark at all the passers by.

question: which one would you prefer to be?

another simple one..since we are talking about animals.

there was this group of animals in the farm who are bragging about their achievements and contributions to their master.

Chicken to the cow and pig:"I was so happy, my boss was getting stronger because of the eggs that i supply every morning for him and his family."

Cow to the pig and chickens: " Well, I am certainly most happy too, because my milk supplies all the energy to my master and his family."

Pig to the chickens and cows: "Buti pa kayo, gatas lang at itlog, puwede na ninyong palakasin si bossing natin. ako.... para lumakas si bossing natin...KAILANGANG MAMATAY MUNA AKO".

 
At 2:37 AM, Blogger Apol said...

uy may kwento din ako, tungkol naman sa palaka. Galing ito kay Mao Zedong -

may isang palaka na nasa ilalim ng balon ang nagsabing, ang langit daw ay kasinglaki lamang ng bunganga ng balon. Hindi nya alam na mas malawak pala ito kaysa sa kanyang iniisip, kasi nga nilimitahan nya lamang ito sa kanyang nakikita mula sa ilalim.

Sabi nga ni Mao: kung walang pagsusuri, walang karapatang magsalita.

 
At 4:47 AM, Anonymous Anonymous said...

question lang ha...... anong theme ng story?

 

Post a Comment

<< Home