Thursday, December 11, 2003

Talaga naman

Dear Mouse, Masakit ang aking kaliwang braso. Parang matatanggal pag aking itinaas. Maraming nakatambak na trabaho sa aking mesa. Marami ring reports ang hindi pa naibibigay sa akin ng maraming katrabaho na wari ay kailangan pang batukan para lang lumabas ang nakatagong utak. Ring nang telepono ang gumising sa aking diwang nakikipagtampisawan sa mga numerong tila sumasayaw sa aking paningin. Kahit siya ay Puti, kailangan kong tagalugin ang aming usapan. Puti: Mali pala ang ginagamit kong titulo para sa mga gastos na aking inuulat buwan buwan. Pusa: Ano bang gastos yon? Puti : Ano ba ang numero noong makinang ginagamit ko? Pusa. Ang numero ng makina at ang titulo ng gastos ay magkaiba. Ano ba ang gusto mong palitan? Braaang...bagsak ang auditibo ng telepono. Parang bumagsak ang langit sa lupa(kunting drama pa) Araaay Pusa: Bakit may mga bastos na tao. Kasamang Asyano rin: Talakang kaniyan yan. Akala niya di tayo runong salita Ingles. Isa pang Asyano: Baksak din siya sa akin telepono, pero di ako ngawa. Pusa-Ikaw di ngawa o pero ako memeow. Di puwede baksak siya telepono (sandali pati ako hawa rin sa insik). Pasok ang isa pang Puti na amo. Tinatanong niya bakit daw hindi yata maintindihan ang tanong ng Puti Uno. Pusa: Kasi ang sinasabi niya bayabas pero ang tanong niya guava ehe.. Puti na amo: Hindi lang kayo nagkakaintindihan. Pusa: Hindi man kami nagkakaintindihan, wala pa rin siyang karapatang magbagsak ng telepono. Telepono ba niya yon. ehek, mali na naman. Puti na amo: Naiintindihan na ba ninyo siya? Pusa: Dapat siguro, hindi ikaw ang magpapaliwanag dito sa amin kung hindi tawagin siya at sa harapan ay tanungin kung burger ba o hotdog ang pinag-uusapan. Isang Asyano: OY bosing yon. Pusa: Kahit bosing siya mali ang banat niya. Pinagtatanggol niya ang mali. Kinahapunan, dumating ang nagbagsak, may dalang bulaklak. Nagtaka ang mga kasama kong Asyano at Puti. Anong nangyari? sabi ng isang Asyano. siguro naman hihinto ka na nang pagngawa. Pusa: Hindi ako nagngawa. Nagmiyaw ako sa dapat ngiyawan. Meow...Mga tao nga naman. Buti na lang pusa ako. The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home