Found it –yon-how to become a millionaire
Dear Mouse, TANGA pala ako. Oo mga kaibigan, isa akong TANGA. Dapat pala ay milyonarya na ako kung ginamit ko lang ang aking Utak. Pero may kulang nga sa akin. Wala akong mukha na gagawa ng kalokohan.*ahem*. Katulad nang nakilala ko na nag-aral ng physiognomy, sa mukha lang makikita mo na ang mga manloloko, ang mga mandarambong at ang mga nagkukunwa-kunwarian. Madali rin akong mahalata kung ako ay nagsisinungaling. Hindi kagaya ng mga sinasabi nilang sociopath na puwedeng magsinungaling nang hindi mababasa ang “microexpressions” na sila ay hindi nagsasabi ng katotohanan, ako ay may mga manerismong malalaman mo kung ako ay atubiling magsabi ng totoo o hindi. Pag tinanong mo ako kung guwapo ang boyfriend mo at sya yong mahilig sa saging at gustong maglambitin pag nakakita ng baging, pag sinabi kong kamukha siya ni Fernando Poe sabay ang kirat ng aking kaliwang mata, ibig sabihin niyan ay nagsisinungaling ako. Pag tinanong mo ako kung maganda ang damit mo at sinabi ko kung sang bintana mo kinuha yan, sa sala ba o sa kuwarto mo, at gumalaw ang aking kilay, ang ibig sabihin niyan ay mukhang kurtina ang tela at at sa kuwarto ang ibig sabihin ay walang karapatang idespley. Pero bago tayo mapunta sa San Francisco o kaya sa Hawaii, balik tayo sa pagiging milyonaryo. Naikuwento ko sainyo na ako ay isinasama sa mga lectures ng livelihood projects noong nandiyan pa ako sa Pinas ng mga batikang mga spoker galing sa mga banko at unibersidad para kapakanan ng mga mahihirap na tao diyan sa Visayas at Mindanao. Saling pusa baga. Ito ay inisponsor ng mga foundation na affiliated sa mga Christian churches na ang pundo ay nanggagaling sa mga Foundation din sa Estet at sa Eyorupa. Ibig nilang makasiguro na ang perang ipapahiram ng foundation ay mapupunta sa lehitimong proyekto at ang mga pagbibigyan ng pera ay may kaalaman sa negosyong kanilang papasukan. Ang pera ay pautang lang para ito ay mabawi at maipahiram naman sa ibang tao. Hindi kailangan ang membership dito. Saan patutungo ang aking kuwento. Sandali uunat lang ako. Inaantok antok pa ako nang mapanood ko ang Magandang Gabi Bayan at ang segmento ng kuwento tungkol sa foundation na nagsampa ng kaso kay Noli. Bago ninyo isiping ako ay MakaNOLI, hindi, hindi at hindi. Tingnan ninyo ang aking mata, hindi ako kumikirat. Kaya lang nagpupuyos ang aking damdamin ( pag galit ako, alam mo dahil lumalabas ang aking malalim na Tagalog, isa pa hindi ako puwedeng mag Ingles dahil maraming mapupusyaw na may kutis ang nagbabasa nito). Bakit kanyo nagpupuyos, tinamaan ng kulog na may kasamang mag-asawang kidlat, nagkamal ng salapi ang gumaya ng proyektong itinayo ng mga Christian churches at ginawa pang foundation? Bakit ako galit ? Bakit hindi ko naisip yon? Sana ay nagawa ko rin. Sana ako ang naging milyonaryo. (Kirat ng mata). May membership fee pang trenta pesos. At ang mga business plan na libreng pinamimigay at inelelecture pa sa kapakanan ng walang nalalaman ay pinabibili ng 150 ng nasabing foundation. @#$%%^&&&* Galit ako. Sa halagang trenta at magkakaroon ng insurance at grant na kalahating milyon, sino nga naman ang hindi magiging gahaman. Sa isang milyon na members, ang trenta pesos ay may katumbas na trenta milyon. (nasaan ba ang abacus ko?) Ang 150 ay $ 150 million. Wow na wow (kanta ni Mr. Ping yan). Wala silang bank account para sa foundation? Wala silang board members? Foundation yon, ibig sabihin tax exempt. Sobra yannnnnnnn. Nasara ang foundation dahil nalamang peke ang certificate galling sa SEC? Hindi naghabol ang mga miyembro dahil maliit lang daw ang perang makukuha. Kung individual pero kung isang grupo ito ay malaki ang magiging laban kung hindi pera ang paiiralin sa pagtakbo ng kaso. Dito sa Estet, ito ang class suit action na sinasabi. Hindi ko alam minsan na nananalo ang kasong isinampa kasama ang aking pangalan at nakita ko na nagkaroon ako ng share sa damages, sa halagang 4 dollars. Wala naman akong ginastos doon, mantakin mo. Hindi ko naman alam bakit may kaso. Sabi ng founder ay anak daw siya ni Marcos. Hmmm marami rito niyan si Estet. Yong gusto bang magscam. Buti na lang at may internet na at kung may mga hinala ang mga tao ay madali nilang naveverify. Ipinagtatuwa niya ang kaniyang tunay na ina at nang huli ay inamin din niya na kilala niya. Habang nagsasalita siya ay kung saan sang tumutungo ang kaniyang mga mata. Hindi siya kumikirat pero ayon sa mga saliksik ng mga dalubhasa ang pagsisinungaling ay nagiging ugali na kahit mismo ang nagsisinungaling ay akala niya hindi pa rin yon kasinungalingan lalo ang mga motibo ay talaga ang manloko. Pag kayo ay napunta sa isang opisina at may nakita kayong mga retratong kasama ang mga Presidente at mga bigating tao, huwag ninyong paniwalaan pag sinabi nilang kabeso beso at kasiko kasiko nila ang Presidente. Dito sa Estet, may mga organisasyon na nagsisingil ng isang daan o mahigit para lang makasama ang may sinasabing tao lalo na ang Presidente ng Bansa. Pagkatapos ng dinner ay kaniya- kaniyang posing kasama ang Presidente. Ipapaenlarge ang retrato ay ipamumudmod sa mga kamag-anak sa Pinas o kaya kung may negosyo naman ay ilalagay sa opisina ang retrato at sasabihing kaibigan niya si Pangulo. May kakikilala akong isang babaeng negosyante na wala na yatang inabangan kung hindi ang mga ganitong okasyon. Pati yong dinner para sa isang sikat na mag-asawang artista diyan sa Pinas na hindi ko naman maisip kung bakit magbabayad ang isang Pinay para makasama silang kumain, eh hindi naman sila marunong kumanta, hindi naman sila marunong tunula…para bang ang isip ko ay papakainin na nga sila, magbabayad pa ako? Naghihirap na ba sila na pati ang kanilang bakasyon ay pagkakuwarthan pa nila. Ang tinitimping galit ay hindi maaring itago. Ako pag naiinis ay itinataas ko ang aking kaliwang kamay. Pagkatapos ibinababa ko para ihampas kung saan puwedeng ihampas para maalis ang aking inis. Blag. (sound of hampasisyon). The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home