Friday, March 19, 2004

Duet

Dear Mouse, May oras na seryoso ako. Isa sa mga oras ng sinusulat ko ito. (kumakain kasi ako ng polvoron(courtesy of Sassy's recipe, pag kumakain ka ng polvoron hindi ka puwedeng humahalakhak. Subukan ninyo.) Ang mga tumatakbo sa isang partido ay parang choral group. May iba-ibang boses man ay dapat pa ring nagkakapareho ang tyempo Kahit maraming instrumento ang sumasaliw, isang himig lang ang maririnig. Dalawa sa choral group members ang nagpasiyang magduet – si Amina Rasul at si Boots Anson Roa. Ipinadedeklara nila si GMA na on leave o resigned dahil sa paggamit ng government funds sa kaniyang kampaniya.Nagalit ang kanilang lead singer. Hindi rin siya inabisuhan. Para siyang tanga na nalaman na lang niya sa media ang pangyayari. Dito kampi ako kay Fernando Poe. Dapat nga naman sinabi sa kaniya. Tanga na nga sabi ng marami, gagawin pang mas tanga. Sobra na yan, lalo na kung ang excuse ni Rasul ay: "Yes, we didn't consult Poe. We don't have to consult him on everything that we do. This is an independent act of trying to straighten things, which are unfair to many," Rasul-Bernardo told dzMM. Helllooooow…siguro kung anong make-up ang gagamitin at ano ang susuutin niya, maaring hindi siya humingi ng abiso pero kung ang buong partido ang nakataya, unfair man sa isa o sa marami, dapat may kunsoltahan. Hindi nakailangang matapos ang isang tao ng Organization and Management o kaya ng Team Work para malaman ang kahalagahan ng team effort. Tingnan lang ang laruang tren, na may hila hilang mga bagon: pag isang bagon ay lumabas sa riles, diskarel ang teren. She said she and Roa were greatly affected by Arroyo's alleged use of government funds for her campaign. "As a private citizen running for public office, I have limited resources for my campaign. Worse is I have been subjected to several prohibitions like limits in the size and number of my poster and venues for its display and the airtime for TV and radio advertisements," Rasul-Bernardo said. Basahin mo ang kaniyang rasul este rason kung bakit dinala niya sa Supreme Court ang kasong ito.---dahil daw naapektuhan siya sa pagkampanya. Husme, kung totoong ginagamit ni Gloria ang pera ng gobyerno sa pagkakampanya niya, buong bansa ang naapektuhan dahil dapat sa kapakanan ng bayan ginagastos ang perang yon. Makasarili. Kung hindi pala siya apektado, wala siyang pakialam? Tsee Ang kaduet niyang si Boots Anson Roa ay matagal nagpasasa ng kapangyarihan dito sa Estet noong nasa puwesto pa si Marcos dahil sa hipag niyang malapit kay Imelda. Pinaleave of absence din ba niya si Marcos noong snap election para may laban si Corazon Aquino ? Saan ko ba nabasa yong nag-aaply siya ng trabaho sa Estet noong maalis siya sa gobyerno dahil sa pagkatalsik kay Marcos at hindi siya nakatagal kaya minabuti na lang niyang umuwi sa Pilipinas. Kung baga sa kasabihan, weather weather lang yan. Sa Tagalog, panapanahon lang. Wdercerdeserr lraaang yyyannn...twubwig twubwig twubwig. The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home