Thursday, March 18, 2004

Ako rin may kuwento

Dear Mouse, Nabasa ko ang kuwento ni Tambay. Naalala ko tuloy noong madalas ang stop-over naming noon sa Singapore. Sa Erport lang ako natutulog para sa connecting flight. Malayo kasi yong bahay noong aking hindi nahinog na hilaw na in-laws. Pero natawa ako sa pakikinig niya ng usapan ng mga Pinoy. Ako rin mahilig diyan lalo pag nakasakay ako sa teren at medyo malayo ang aking lalakbayin. Siya muntik nang malampas, ako talaga nagpalampas. Gusto ko kasing malaman ang ending ng story. Puwede naman along bumalik ng walang bayad. Pilipina 1; Ano homesick ka pa? Pilipina 2: Medyo Pilipina 1: Noong una, ganyan din ako pero nang matanggap ko yong una kong dolyar, sabi ko, mamatay na sana ang nakaimbento ng sakit na yan. Pilipina 2: Ang problema ko, mahal masyado ang renta ng tirahan. Doon lang nauubos ang aking suweldo. Pilipina 1. Maghanap ka ng room for rent. Marami diyang pamilyang nagsheshare ng kuwarto sa bahay. Pilipina 2: Ikaw apartment ba o kuwarto? Pilipina 1: Room na lang ako ngayon. Wala pang problema. Libre lahat, wala akong pakialam pag mentena ng apartment. Dati, nag-apartment ako. Pilipina 2. ano ang nangyari? Pilipina 1. : Lalaki ang kashare ko. Pumayag ako kasi para siyang bakla. Tipid sa renta, malaki pa ang gagalawan ko. Dalawa naman ang kuwarto. (medyo gumalaw ang tenga ng pusa. Malakasan nga ang volume.) Pilipina 2: Tapos? Pilipina 1: Hindi naman pala bakla eh. Ilang buwan lang magkasama na kami sa kuwarto ko. Pilipina 2: Ow Napa ow din ako pero tahimik lang, baka mapansing nakiking ako sa kanila. Tinuloy ko ng ubo. Pilipina 1: Oo naglive-in na kami. Tapos humanap kami ng uupa doon sa isang kuwarto. Pilipina 2: Binata naman yata eh. Pilipina 1: Daw Ako:Oy ,huminto na sa istasyon ko ang teren, hindi ako tuminag. Mamiss ko pa ang istorya. Bilisan naming kasi ninyong magkuwento. Pilipina 1: Babae yong nagrenta. May edad na. Malalaki na ang mga anak. Kaya wala akong kaba na pumatol siya.Minsan umuwi ako na galing sa palengke, Namili ako ng paborito niyang hito na isisigang ko sa bayabas , bumili rin ako ng bangus at saka ang peborit niya, ang alimango. Halatado niya kasi ako na bumibili lang sa Filipino restaurant ng luto na tapos ilalagay ko sa kaserola PARA MAGmukhang LUTONG BAHAY. Ako:Dali naman , malapit na naman ang susunod na istasyon. Pilipina 1: Madilim ang apartment. Tuloy-tuloy ako sa kusina. May narinig akong kaluskos. Binuksan ko ang ilaw. Huminto ang teren. Ikalawang istasyon na lampas ako. Pilipina 1:Ang mga pu(bleep bleep bleep. Pati yong senior citizen, pinatulan. Kinuha ko yong hito, ibinato ko s kaniya.Kinuha ko ang kamatis, ibinato ko doon sa babae, Kinuha ko yong alimango, ibinato ko yong buong paper bag. Ako: Aray, sakit noon, saan kaya tumama? Nangingiti ako. Isang sulok lang ng aking labi ang gumalaw. Baka mahalata. Eh seryoso ang aking mukha. Sabihin pa nilang tsismosa ako. Napatingin sa akin yong nagkukuwento. Pilipina1:Ay baka naiintindihan niya…nguso sa akin. Pilipina 2: Hindi naman mukhang Pinay, tuloy mo. Pilipina 1: Kinuha ko young tinidor, kutsara, at ibinato ko sa kanila. Kung mabubuhat ko lang yong lamesa di sana Ibinato ko sa kanila. Huminto ang teren. Huling istasyon. Lumabas na silang dalawa. Lumabas na rin ako. Nauntog ako at sumigaw ng Aray. Napatingin sila. Ngumiti. The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home