Monday, March 15, 2004

Artista muna tayo

Dear Mouse, Nanay: Ano ang gusto mo paglaki mo, anak. Sige parinig mo sa tatay mo. Anak: Artista po, nanay Nanay: (siniko ang asawa) Gustong maging sikat ang anak mo at kumitang pera. Bakit mo naman gustong maging artista?(baling sa anak) Anak: Kasi gusto ko pong maging presidente. Kornimo, korniko Kris Sobra ang suot ni Kris Aquino sa The Buzz, litaw ang harapan. Palagi siyang pinapaalahanan ni Boy na ayusin at baka biglang magkaroon ng "aksidente". Puede ba akong sampalin para maunawaan ko kung bakit ang mga artista ng afternoon talk shows, live shows ay parang palaging pupunta sa awards nights. Ang mga sitcom naman ay maraming babae na akala mo palaging pupunta sa beach? Madam Auring Dahil sa pag-ibig, gagawin ng matandang ito. Ganoon ba talaga ang mga gurang na umiibig. Para siyang tange na binubuntutan ng kaniyang Mister-to-be na humahabol sa artista sa Star Awards. Ginaya niya ang isa ring mahilig magpabanat na si Joanne Rivers sa pag-iinterview sa mga dumarating na artista. Ang kaibahan ay siya ang humahabol sa artista para makainterview, samantalng si Joanne ay siyang pinupuntahan. Hindi malaman ni Susan Roces ang sasabihin niya nang siya ay nilapitan; tumakbo si Christopher de Leon, naasiwa si Helen Gamboa at nangaral si Ai Ai delas Alas na mahalin niya ang kaniyang mga anak. Babaw ko no? Pati artista ay pinapatulan ko. The CAT

0 Comments:

Post a Comment

<< Home