Sunday, March 21, 2004

Parang radyo-pabati

Dear Mouse, Wala pa kong e-mail para mag-iwang comment sa mga blogsite ninyo kaya babati na lang ako dito sa aking blog. Sandali nasaan ba yong aking lista. Binabati ko si Tambay. Salamat. Tuloy mong magsulat tungkol sa Singapore. Di man kami nakakapunta diyan ay alam naming ang mga pangyayaring hindi mababasa sa mga dyaryo. Pakikurot tuloy yong manghuhula diyan na nakatambay sa templo. Wala pang nangyayari sa sabi niya na makakapag-asawa ako ng may blue eyes. Kung hindi blue, basted siya. (kirat ng mata ^. ^.Katulad din ni Tatang Rhet sa San Francisco, nagkukuwento rin sa mga happenings sa paligid niya. Kay Dr. Emer, Merry Christmas. Ang aga naman ng Pasko sa blog niya. Nasilip ko may stuffed cat doon sa link. Si Click-mo-mukha-niyamo sinama rin ang pusa sa clicks niya. Siyanga pala, nabasa ko ang kaniyang blog tungkol sa teaching experience kung saan pinasulat niya ng e-sey ang mga istudyent. Ako rin, ginawa ko yan noong substitute ako. Yong isa, imbes e-sey tungkol sa topic ay sumulat ng excuse letter na hindi raw siya nakapag-aral dahil narinig daw niyang nag-aaway ang kaniyang poppy and mommy. Muntik ng mapunit ang papel sa luha ko dahil sa makabagbag damdamin niyang kuwento. Yong isa naman ay kanta ang isinulat sa papel. Para bang kagaya ng tip mula sa mga reviewers na pag essay type ang exam, do not leave it blank. Write anything, just do not leave it blank. Sa isip ko papasa ang batang iyon sa essay type test ng mga professor na hindi nagbabasa ng sagot. Ako nagbabasa. Sabi ko na sainyo masokista ako. Gusto ko yong naiinis ako. Kagaya rin nang pagbabasa ko ng mga blog na hindi ako sang-ayon minsan sa mga kuro-kuro pero nandiyan nga ang ganda. Iba ibang utak, iba-ibang ideya. May mga pasaring pa. Iba-iba rin ang propesyon, may HISTORY CURATOR, may doctor, may abugado, may engineer, may nurse, may architect, may consultant, may accountant, may artist, may writer, may angel, may physicist,may scientist,may duwende, mayroong dakilang ama, mayroong maybahay lang, mayroon namang walang bahay…ekk Siyanga pala Sassy, hindi HOME ALONG DA RILES, kung hindiHOME ALONG DA AIRPORT.. Halatadong hindi nanonood kay Dolphy. HEHEHE Ako rin hindi nanonood ah.(Kirat ng mata). Daming tambak na mga kumedyante, hindi naman ako matawa. Tapos para pa silang palaging babarilin na nakalinya sa harap ng kamera. Sandali bumabati rin ako sa walang sawang pagtangkilik nina Bagwis at W. Parang commercial. Hellooooooo. The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home