Tuesday, April 20, 2004

What’s up?-chicken Wings


Dear Mouse,

Almost all websites are inaccessible.

Arghhhhhh

Servers are down.

Me, I was down today by flu-like illness. Must be the pollen. Ewan ko ba. Sa Pinas naman panay ang singhot ko ng bulaklak at panay ang akyat sa puno pero wala naman akong naging problema sa pollen. Kay Aling Poleng mayroon. Kasi panay ang akyat namin sa puno ng bayabas niya. Ang lalaki kasi at hinog ang mga bayabas. Yon bang dilaw salabas pagkatapos rosas sa loob.ahahay... Wala sa amin yong mabalahibong itim na uod na nahuhulog pag sinungkit mo yong bunga. Hindi pa kasi kami nagkakasya sa malalaking puno ng santol sa aming malayong kamag-anak. Napakalayong kamag-anak na sila kaya di ko alam ang itatawag kung tiyo, lolo, o Ingko. Napakalayo rin ng kanilang lugar kaya kailangan naming maglakad ng malayo hanggang maabot namin ang kaniyang bahay na hindi kubo pero napapaligiran ng mga halaman, gulay at mayoon pa. –mga punong may mga bunga kagaya ng langka, mangga, santol, atis, at saging. Pag sinuswerte, may makukuha kaming malaking pinya na puwede ng kunin para makain.

Ang mga langka ay nababalutan ng sako, ang mga santol at mangga ay matataas ang puno samantalang ang atis ay mababa lang. Ang saging ay buwig -buwig. Para kaming mga unggoy na kumuha ng isang buwig at nilalantakan namin hanggang mga balat na lang ang ebidensiya na minsan ay may prutas sa buwig.

Pag uwi namin, may sakit nga kami. Empatso. Di natunawan.

Ngayon bumibili na lang ako ng saging. Anim na piraso ay mga dollar twenty. Hanep ang mahal.

Wala akong ganang kumain. Nagpalambot ako ng chicken wings. Sa kapapanood ko sa replay portion ng The Buzz sa Radyo Patrol, nakalimutan ko ang niluluto ko kaya hayun sunog. Masarap pala pag sunog na chicken wings.

Si Kris na umiiyak. Lalo akong nagkasakit. Phuleasseeee.

I realized that the good looks, good education and pedigree are not enough for Kris Aquino to posses high self esteem. She has all the qualities that a man may want from a woman but unfortunately, she has no self worth to put a big period in her relationship with wrong men, to keep silence when there were no more things to discuss and to move on with family’s dignity in mind.

Yes, she admitted that she stopped being a confidant to the obnoxious mayor of Paranaque but my fever shot up to more than 100 degrees when she said about being luckiest girl for somebody to be married to JOEY? Harrumph harummph (excuse me resty if I expectorate.)

BAKITTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT?

I am at even at a loss why voters elect these breeds of politicians whose domestic lives are in shambles.

Pakisampal nga ninyo ako.

In the Estet, where Ten Commandments are removed from public views and prayers are banned in schools, the downfall of a person seeking public office may be caused by immorality issues stemming from illicit affair or out-of-wedlock parenthoods.

It is ironic that a Catholic country such as the Philippines where events are set in motion by invoking God’s mercy, are very forgiving to the public officials whose scandalous lives are an insult to the guardians of morals ---the same guardians whose endorsements are believed to carry a sure victory for the anointed ones.

Whatever chance Senator Ted Kennedy had to become another strong political figure outside the family’s bailiwick sank with a woman named Mary Jo Kopechne several decades ago. The accident in at Chappaquiddick haunted him like a ghost in the past.

The theory that the “suicide ‘ of a popular sexy movie star was due to a possible scandal that would ruin the career of very popular political icon remained to be a theory. It was well guarded secret –at least before he lost his life to an assassin.

Newt Gingrich never recovered from his political downfall and Bill Clinton paid a price for getting interested in a thong .

Sandali, bakit from Pollen allergy and Aling Poleng, napunta na naman sa mga POL-itiko.

Sensya na kayo, effecto lang yang pollen at chicken wings.

The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home