Tuesday, April 13, 2004

Si Roco at Pork n Bins

Dear Mouse,
Kapapanaginip ko pa lang na end of the world na, biglang bumulaga ang article ni Manuel Quezon the TERD(hindi yong university at hindi rin yong probins) na naggive up na si Raul. Naroroco ba siya?

Trinace ko ang link kay Sassy at sa PDI.

Pag mahina ang puso mo, mamatay ka pag nakabasa ka ng headline o frontpage news kahit na nga ng broadsheet natin. Ang balita parang pork n bins. Malaki ang retrato ng meat sa label, kakapurit ang laman sa loob. Katulad ng balita kay Roco, hindi pa man nagcoconcede na maggive-up, ang headline ay nagiinsinuate na siya ay nagback out na. Susme naman, magpapagamot pa lang sa ospital at babalik naman. O di naman kaya ito ay strategy niya to make a gracious exit dahil balita ko wala na ring pera. He needs about one hundred million to pay the poll watchers. Di ko rin masisisi ang mga newswriters. They are compelled to write news banners that make headlines that will give you lines in your foreHead. Para bang totoo ba ito, sabay ang kunot ng noo.

Pero tama ang observation ni Sassy, kung totoong may sakit si Roco at iyan yata ang dahilan ng pagpupunta niya ng madalas sa Estet, mahirap ipagkatiwala ang administrasyon sa kaniya. Baka dumating ang araw, kung maging presidente,may sakit siya palagi, iba na pala ang nagdedesisyon sa palasyo. Para bang ala Mao Tse Tung na matagal nang nakaratay pero tuloy pa rin ang pagpapaniwala na siya ang nagpapatakbo sa gobyerno. O kaya ni Marcos, na matagal na ring pabalik-balik sa ospital, lumulubo ang mukha dahil sa mga gamot pero pinipilit pa ring paupuin sa kaniyang Presidential chair.

Masakit na sampal ito sa mga umaasa kay Roco. Araaaayyy. Sa survey ni Vicrenzo, ikalawa si Roco kay Gloria at ang diperensiya ay maliit lang. Sigurado ako na mga nasa middle at upper income bracket at mga bata (ahem) ang kaniyang respondents kaya walang laban si Poe doon.

Tapos na ang stage na disqualification dito at doon, tapos na ang kulapulan ng putik, tapos na ang mga rumor mongering. Nasa stage na ligawan, kumbinsihan at bayaran (minsan) o kaya ay mga trade-offs para ang isang malakas na kandidato ay mag-back out para ang kaniyang malaking botong dinadala ay mauwi sa isang mas malakas ring kandidato na nangangailangan ng marami pang boto para masigurado ang pananalo.

Ganiyan lang ang buhay. Ang mga nararapat ay hindi nailalagay. Huwag lang sanang isang bang mula sa bala ang maging dahilan nang pagkawala ng ibang kandidato.

Okay lang pag card ni BANGArtipuso ang matatanggap. Tenk yu sa card.

Hapi rin si Aling Ester saiyo.hehehe

The Cat

0 Comments:

Post a Comment

<< Home