Saturday, June 12, 2004

Araw ng Kalayaan?

Dear Mouse,

Ibig ko sanang tumula ngayong araw ng kalayaan.
Hindi ko magawa dahil marami akong di maunawaan.
Kalayaan ba ang isang republikang diktatoryal,
Pati pirma ng kalihim ni Dewey ay nasa kasulatan?

(kung gusto ninyong makita ang Declaration of inde- pendence noong 1898, basahin si mlq3).

Sabi ni Rizal,ayaw niya ang kalayaan,
Kung ito ay manggagaling sa himagsikan,
Dahil ang diktadurya ay malilipat lamang,
Sa kamay ng banyaga at sa maghaharing militar.

Kalayaan din ba ang ibinigay sa atin?
Noong Hulyo,isang libo,siyamnaraan at apatnapung anim.
Kalayaan nga ba itong maituturing,
Sariling likas yaman, ay hindi lubos atin.

Ayaw kong tumula, hindi ako makata.
Ayaw kong tumula dahil ako ay di natutuwa,
Ayaw kong tumula, ayaw kong mapagod ang aking dila,
Pero Pilipino ako,isang bansa, isang diwa ...

erase...erase..erase, partido ni Eddie Gil yon.

Mabuhay ang Pilipinas. Hindi mabuhay ang mga pulitikong ang isip lang ay magpayaman. Hindi ko sinabing mamatay sila.

Magtae sana sila.

The CA t

3 Comments:

At 2:25 PM, Blogger Dr. Emer said...

...at tubuan sana sila ng pigsa sa noo,
nang ganoon ay maging silang markado,
layuan dahil sila ay delikado,
ulanan ng apoy hanggang maging abo!!!

Happy Dependens Day, Cath. Ummm...belated? =)

 
At 6:07 AM, Blogger Sassy Lawyer said...

May klase ng pagtatae na hindi ka na halos makapahinga sa kakatakbo sa banyo. Sa pagitan ng pagtae ay pagsusuka naman. Gastro intestinal flu yata ang tawag.

Sana magka-gastro intestinal flu sila habang buhay.

 
At 9:40 AM, Anonymous Anonymous said...

tindi mo C. Diarrhea Forever.

Cathy

 

Post a Comment

<< Home