Negative endorphin
Dear Mouse,
Nasa ospital ang aking boarder. Triple bypass. Sabi ng kaniyang matandang boyfriend, dahil daw sa mga gamot na iniinom niya para sa diabetes. Clog ang arteries ng 97 per cent.
Hindi siya naninigarilyo, hindi kumakain ng baboy kasi high blood din. Hndi siya nagtatrabaho. May pensiyon siyang tinatanggap galing sa asawa niyang retired Navy.Madalas yayain niya akong sumama sa mga sayawang pinupuntahan niya sa mga senior center,kahit iniinsist niya na hindi pa siya senior citizen. hehehe Hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa ko sa harap ng aking laptop. Grade 4 lang ang tinapos niya kaya medyo mababa ang kaniyang pang-unawa. Parang bata ang kaniyang mentalidad. Para akong may anak na inaalagaan na kailangang paalalahanan sa maraming bagay-bagay.
Nasaan ang kaniyang pamilya? Ang kaniyang mga anak ay nandito sa America pero walang makaalala sa kaniya. Ang mga apong inalagaan niya ay di man lang siya madalaw. Nagtrabaho siyang caregiver hanggang sa siya ay magkasakit. Madalas siyang umiyak.Talagang palahaw.
Ang buong buhay niya ay umiikot lang sa boyfriend niyang 78 years old. Pag sila ay magkagalit, para siyang mamatay sa sama ng loob.
Dito ko naalala ang pelikulang About Schmidt --pelikula ni Jack Nicholson tungkol sa pagtanda at paghanap ng atensiyon galing sa mga anak. Pinakamalaking negative endorphin yata yong isiping wala ng goal para mabuhay. At palagay ko yon ang nagpalala sa kaniyang sakit sa puso.
Tahimik ang bahay, pero masaya na rin akong nabalitaan na dinalaw siya ng kaniyang mga anak at mga apo. Bakit kailangan pang lumala ang kaniyang kalagayan para maalala ng mga anak niyang pinalaki niya. Sabi nga ni Jack Nicholson, why not remember us when we are still alive?
The CA t
1 Comments:
"Why not remember us when we are still alive?"
Because you are always taken for granted when you are alive. Parang hangin at tubig. Tinitipid mo lang pag alam mong mauubos na. Pag andyan, di mo pansin.
Anyone with diabetes is sort of doomed. Of course, puede kang tulungan ng mga katulad ko na pahabain ang buhay mo at kontrolin ang blood sugar mo, but up to a certain extent lang. The trick with diabetes is BALANCE. The balance vanishes and doctors try hard to capture the balance back. Ibig sabihin, kung talagang gusto mong humaba buhay mo, aba eh tutok-sarado ka sa lahat ng gagawin mo, esp diet and physical activity. Commit a minor mistake and everything goes haywire inside your body. Gradually, of course. That's part of the diabetes treachery. Akala mo, ok. Tapos, biglang di na pala. Triple bypass in a diabetic patient because of 97% coronary block? You make me shiver, Cath. Please pray hard that she gets well. I'm also praying here kahit dko sya kilala.
Post a Comment
<< Home