"Marcos pa rin"-I vague your pardon"
Dear Mouse,
Ako ay patron ng Art of Being Vague.
Yon bang I VAGUE YOUR PARDON and your point is?
Kaya babala sa mga nagbabasa, kung minsan ang mga isinusulat ko ay mas magandang basahin pag pagbaligtad. PUN INTENDED.
Nakatanggap ako ng mga e-mail na nagtatanong kung bakit naniniwala ako na foreign investments lang ang makakatulong sa bansang naghihirap.Hindi marahil siya nakatulog.
Ang sabi ko yata ay may mga bansang wala ng kapabilidad na gamitin ang kanilang sariling yaman ay napipilitang tanggapin ang mga alok ng mga banyagang kumpaniya upang sila ang tumulong sa pagtayo ng mga infrastactura na nangangailangan ng malaking salapi. Ang lupain ng Tsina ay halos bugbog na sa mga pagtatanim nang mga hindi lang dekada kung hindi mga nakaraang daang taon na para pakainin ang bilyong populasyon.Anumang fertilizer ang ilagay sa lupa ay hindi na magbibigay ng masaganang tanim.Katulad din ito ng iba nating lupain na minabuting gawin na lang subdibisyon dahil ang mga tanim na lumalalabas ay bansot pa kay "Presyus".
Wala na silang ikatatakot na mapagsasamantalahan ang kanilang likas na kayamanan ng mga banyagang magdadala ng kapital.Katulad ng kapanahunan ni Marcos, ang kanilang pang-akit sa mga investors ay ang mababang suweldo sa manggagawa,walang demonstrasyon laban sa mga multinationals,walang mga piket ,walang union, mga tax holidays at mga tax incentives.
Pero ang kaibahan ng kapanahunan ni Marcos ay ang
pag bibigay ng karapatan ng diktador sa mga Puti upang
gamitin ang ating sariling likas-yaman nang pinahaba pa niya
ang bisa ng Parity Rights.
ANaniniwala ba kayo na kaya pinayagan ni Marcos ang mga multinationals na ito ay dahil ibig niyang iahon ang ekonomiya ng bansa? Saan kaya nanggaling ang malaking kayamanang naiwan nila sa Switzerland ?
Marami pang “Marcos” sa ating kasalukuyang pamahalaan. Bawa't isa ay gustong makihati sa "pie".Ito ang legasiya na iniwan sa atin ang yumaman sa masamang paraan at manatiling hindi nakakakulong at ibiniboto pa ng maraming kababayan.
Ang Singapore ay walanng ikakatakot na mawawalang likas
yaman ngunit ang kanilang atraksiyon sa mga banyaga ay malinis
na bansa, walang opisyales na hihingi ng commission para
maisakatuparan ang isang proyekto at walang ikakatakot na
makikidnap ang mga expats.
The CA t
2 Comments:
Pwede ba kong makigulo?
Wala akong tutol sa multinationals o sa foreign investments kung ito ang makakabuti satin. Dapat na nating harapin ang katotohanang paunti na ng paunti ang kakayahan ng mga local investors na mamayagpag sa business, ngayo't nagkakandalugi na ang mga ito.
Kung ang pag-uusapan ay ang pagiging makabayan, simple lang ang idea ko diyan. Nasa namimili ang ikinabubuhay ng negosyo. Wag bumili sa mga multi nationals, e di walang kita, alis din sila. Pero suriin nating maigi si Juan dela Cruz. Karamihan sa kanila ay naka-pustura ng husto, di ba? Ang ibig sabihin ng pustura ay yaong naka Bally shoes, t-shirt na Lacoste o kung ano mang signature clothing. Ba't di natin umpisahan diyan? Kung kumita ang clothing industry natin, baka magsunuran na rin ang mga iba.
O sige, tapos, nanganak si Sharon sa States....
para maging US citizen...hehehe
Post a Comment
<< Home