Kasalan pa rin-walang spoon and sporks
Dear Mouse,
Maraming venues dito ng kasalan sa Estet. Puwedeng restaurant, puwedeng hotel, sa bahay o kaya umupa ng hall at ipacater ang pagkain.
Sa mga lugar na "liblibin" ibig sabihin ay dalawang oras and driving mula sa siyudad, sa bahay o sa hall na narerenta sa simbahan o sa local government ang madalas gamitin para sa wedding reception.
Ang imbitasyon ay hindi limitado sa dalawa. Kasama ang mga bata at sino pa mang nakatira sa bahay. Kaya ang imbitasyong 1 ay nangangahulugan ng 3 o lima.
Kung single naman ang imbitado,may kasama rin siyang isa dahil sa layo ng lugar, dapat may tagatingin ng mapa o roadsigns para hindi mapunta sa exit na exit sa highway. AKO YONG TAGATINGIN NG MAPA, kaya ako isinama sa kasalang yaon na hindi ko naman kilala ang mga ikakasal.
Linggo, narating naming ang lugar ng ala-una ng hapon.Dumating ang mga ikinasal galing sa simbahan ng alas dos.
Alas dos medya, kainan na raw, bago ang seremonyas. Tenk yu. Malapit nang maging cannibal ang aking malaking bituka. Mangani-nganing agawin ko yong mansanas doon sa lechon na nakadapa sa gitna ng buffet table.
Walang caterer, marahil pot luck ng mga kamag-anak, kasi hindi magkakakilala ang putahe. May kanin, mashed potatos,lengua,dinuguan?pansit,eggroll, inihaw na tilapia, tahong, oysters,hipon,pakbet? lechon at saka maja blanca,leche flan,cassava cake, ube, etc.May punch.(pintasera ko 'noh?)
Walang spoon and "sporks". Akala namin nasa kabilang lamesa lang. Pero wala talaga,pati drinking cup.
Nagpanic ang tiya ng bride. Nasa likod daw ng kotse ng isang kamag-anak na iniuwi muna ang asawang sumama ang pakiramdam. Walang cell phone para mapabalik. Walang bukas na store. Walang kutsara at tinidor.
Nawala pati ang mga malalaking serving spoon sa lamesa.Kinuha ng ibang guests na katulad ko ay gutom na. Lumaki sana ang kanilang bibig.
Ang tao pag gutom, nawawala ang pagkasibilisado. Ako, na tagahanga ni Mc Gyver ay alam ko ang gagawin ko sa sitwasyong yaon.Kumuha ako ng tahong, kinain ko ang laman, mayroon na akong kutsara. Wala pang limang minuto, ubos ang tahong.Wala na namang kutsara. Problema na nila yon, basta ako busog na. burppp.
Hiyang hiya ang mag-asawa ,pero ganiyan talaga yan. Karamihan naman sa bisita,hindi nila kilala. Kagaya ko.Pagkaapos ng handaan, kanya- kanyang balot ang mga bisita na para bang binabawi ang kanilang ginastos sa regalo.Sabi ng aking kaibigan pag siya ang ikinasal, bibigyan niya ng name tags ang bisita. Kaya lang wala raw siyang balak magpakain ng maraming tao. Babae ang gumagastos dito sa kasal. Remember, Father of the Bride? .
The CA t
7 Comments:
Hi Cath,
I'm guessing here pero it seems like you were in a Filipino wedding. All the trimmings and the ensuing events, pati pag balot ng pagkain, Filipinong-filipino. One thing i remember when me and my wife went to Canada, ang host namin puti, walang kanin. Minsan nakalimutan pang mag-lunch. Nang maalala, naghain ng iba't-ibang keso, at saka biscuits Binulungan ko asawa ko, two minutes, gutom na naman ako for sure. Kahit sa restaurants, kahit ganong kalaki ng serving, pag walang rice, gutom kagad ako. Isa pang napakaling problem sa kin, ang toilet, walang tabo. Need I go to details?
Sana pala dyan na ko nagpakasal, wala akong gastos sana. hehehe Di bale, sa golden anniversary namin. Imbitado ka pa. At siempre, maraming kutsara't tinidor and kanin.
Hi Cathy! Kelan lang, ikinasal ang bayaw ko. Sa isang hall for rent ginanap. Mas maraming kamag-anak yung girl. Nag-decor kami nung hall the morning of the reception (which was on a separate day from the wedding, which was done at their house by a notary public). Ako pa ang naglagay ng abubot na decor sa wedding cake (hindi planado yun. Naisip ko lang parang napaka-plain naman na ipapatong lang sa styro yung cakes)! Habang ginagawa ko yun, sabi ko, layong napakaluho ng mga kasalang napuntahan ko nung nasa Pinas pa ako. Wish ko lang sana, ganito rin ka-practical ang mga Filipinos sa pag papakasal. Oo nga't once in a lifetime naman kasi ang occasion na yun sa mga Pinay (dahil ala namang divorce) pero hate na hate ko yung kelangan pang mangutang ng iba para lang makapagmayabang! Sarap tuktukin at sabihan na "Hoy! Gising!" Anyway, maraming nagtulong-tulong sa pag-prepare ng pagkain. SAmu't sari mula finger foods to salads to main dishes (ala ring kanin syempre) to sandwiches). Ang naaaliw ako, yung mga in-laws ko, they used the same Sunday dress they wore during the wedding day (ako lang ang nag-iba ng attire. Sayang naman kung di ko halos magamit ang mga damit ko nun sa PI noh!). Ganon sila ka-simple at practical, and I felt envious that they have that attitude which is in great contrast sa Pinoy. Okay lang kung maraming pera panggastos ang mga Pinoy kung gusto nila magarbo ang kasal. But most do it para nga magyabang. Nawawala yung solemnity ng bonding ceremony, nagmumukha na lang circus.
Me pinsan ako nun, kinasal. During reception sa hotel, an aunt and her sister came (uninvited). They kept comparing my cousin's wedding to their sister's wedding in Canada. Nakakadismaya. They came not as well-wishers. I couldn't help comparing it to my recently attended wedding nga ng bayaw ko, where lahat ng guests, they came (some from far-away states) to celebrate the event with the newly-weds, hindi para mag-abang ng pipintasan.
Tito tito,
Sa Pakistan at sa India, babae pa ang nagbibigay ng dowry at gumagastos sa kasal.
Manang Ku,
Pag sa rented hall, informal ang celebration. Takbuhan ng bata, tsismisan, pintasan, etc.
The CA t
I remember when Lea Salonga and Donita Rose got married, sila din ang gumastos ng mas malaki kesa sa dun sa mga guys. Sabagay, can afford naman pareho sila. Sana nga for a change, girls naman ang magbigay ng dowry sa amin. :)
Doc Emer,
I strongly OBJECT!!!!!!!!!
Sa India at Pakistan Doc at C, lalaki ang nagbibigay ng dowry.
The higher the education of the guy is, the higher is the price for the groom.
Pag nag-travel kami ng twinflame ko, dapat wala sa itenerary ang India at Pakistan. Hehehe. Or sabihin ko, elementary lang natapos ko. Nagagalit si Sassy :)
Bat ganun, pag voting rights, working rights, iba-ibang klaseng rights, pnapaglaban ng mga babae?Pero kapag bigayan ng dowry na, super-quiet sila. Dapat equal rights din dito, di ba? :) [baka sakaling lumusot]
Post a Comment
<< Home