Learning ABC and Educating Non-Pinoys
Dear Mouse,
In case you ask, here is the definition of terms:
A is for Adidas, barbecued chicken feet
B is for Bathroom a.k.a. Toilet
C is for comfort room a.k.a. Toilet
********Pinayexpat from Germany wrote:
Discussing topics about the difference in culture and language could lead to a very lively discussion. Although, a lot of times I get some really strange questions.
I’ve been offended before but but now that I think about it, I guess I was being to sensitive. Most said questions were not meant to offend. They were just misinformed guys.
This blog of pinayexpat made me revisit the Diary of the Radical Chef-Not--the - trying-hard-to-be-a good- cook-wife-to-a-Puti- Pinayin the US.
The following are notes in her diary in her attempt to blend in in her husband's family in the first party she attended in the US.
1:00 P.M. Tumawag ang asawa ko. Maghanda raw ako dahil may pupuntahan kaming party. Saya-saya ko dahil masusuot ko na yong mga party dress na binili ko sa Divisoria. Galing naman sa HK yon anoh? Dadaanan daw niya ako.
2:00 P.M. Nakabihis na ako. Suot ko yong strapless na may kumikintab kintab. Pag nakikita ni Inang yon,ay napapasusmarosep siya dahil baka raw maholdap ako sa mga kinang. Sinuot ko rin yong sapatos kong mataas ang takong. Ang aga naman ng party nila dito. Alas tres.
2:30 P.M. Dumating siya . Bumaba ako sa hagdan namin na parang si Kristin Hermosa sa pelikula nila ni Aga. Taas ang noo ko at hindi nakangiti. Imagine ko ay slow motion ang dating ko sa kaniya.
Sabi nya, "You’re beautiful honey but you do not have to be formal. "
Bigla akong ngumiti. Gusto siguro niya masaya ako.
"You might want to change to something casual." dagdag niya.
3:00 P.M. Party pala sa kanila yong sa likod- bahay at may malaking barbekyuhan. Sa amin ang barbekyuhan ay sa uling na pinabaga. Yong regalo sa aming barbekyuhan ay ginawang tulugan lang ng pusa.
Sa aming probins, barikan ang tawag doon. Party na pala sa kanila yong may mga tacos, tortilla at mga ice drop sa mga bata. Sa probins namin, meryenda lang yon.
Walang balloon. walang mga banderitas. Merong nakasampay na mga rugs na pinatutuyo.
Sayang ang pabango ko. Mas malakas ang amoy noong barbecue saka yong amoy kilikiling pinapahid nila sa barbecue.Namimiss ko ang UFC ketchup.
Tumabi sa akin yong isang misis ng kaibigan ng aking asawa na parang hindi kilala ang suklay. Minsan ipapakilala ko siya.
“I heard that you eat ADIDAS ?” tanong niya.Sabi ko true. Want to try some ?
(Galing kung sumagot. Kung maririnig sana ako ng aking mga kabarangay, ipagmamalaki nila ako. Pinopromote ko yong barbecueing paa ng manok.)
"How do you cook them ?" tanong ulit.
"Barbecue," sabi ko kaagad ng walang kurap.
Binigay niya sa akin yong kaniyang NIKE shoes. “Will these do ?" This is a better brand "
Hindi naman siya blonde pero hindi ba alam niya na hindi binabarbecue ang sapatos.Gusto kong umihi. Lumapit ako sa may -ari ng bahay.
Me: Where’s your C.R.
May-ari ng bahay: What is C.R. ?
Me : Comfort Room
May ari ng bahay:We have no comfort room. You feel uncomfortable ?
Me: (Sa isip lang. Bakit wala silang CR. Ihing-ihi na ako noh, so uncomfortable na ako.
Hindi ko naman alam sabihin ang gusto kong magbawas. Puwede ba yong I want to reduce. Kasi sa bahay pumupunta lang ako sa toilet namin. Ah alam ko na). Toilet.
May-ari ng bahay: Ow, bathroom. Come with me.
Me. Mga diyaskeng ire, tawag sa toilet eh bathroom, eh hindi naman pumupunta ang mga tao sa toilet para maligo.
Pumasok ako sa bathroom, nakababa yong takip. Hindi ko mabukas . Nakatali. Bakit may nagnanakaw ba dito ng toilet bowl? Gusto ng lumabas ng ihi ko. Di ko pa rin makita kung paano bubuksan yong toilet bowl.
Nakita ko yong bath tub. Umakyat ako sa bath tub.Sarap ng pakiramdam. Yon pala ang silbi ng bathtub pag di ka maliligo.
May kumatok sa pinto. Yong may-ari ng bahay. Nagsorry siya at di niya naalis yong lock sa toilet bowl. Yong daw anak niya kasi pag napapayaan, ginagawa lababo yong toilet bowl, kaya tinatali nila.
The Ca t
5 Comments:
Bilib talaga ko sa yong magtagni-tagni ng kwento. At with matching pictures pa. Pero totoo yun. nung tinawag kong comfort room, yung mga kaibigan kong puti, sabi nila, "Why, that's a very polite term to use." Siguro kung tumagal pa ko dun, comfort room na rin ang tawag nila sa toilet.
Saan mo ba nakukuha yang mga pics mo? Yan ba yung 50 something na ini-scan mo?
Pag nakilala ko yang radical-chef-not na yan babatukan ko, hehehe.
The Filipinos here have the same experience, the British doesn't know what C.R. is, they call it W.C. which is "water closet".
titorolly,C,
Ang aking radical chef not ay gawa-gawa ko lang ngunit kung may tinamaann yon ay di sadya at aking lang pinagkakatuwaan.
Ang mga pangyayari ay malapit sa katotohanan.
hehehe
Cath
taga batangas ka ba or laguna or quezon province?
iemail kita sa email mong kulitmodaw pero no reply
Post a Comment
<< Home