Saturday, October 23, 2004

Balik ang Guardia

Dear Mouse,

Balik ang guardia na si Laguardia. Pagkatapos ang tsismis na papalitan ng isang superstar ang chairperson na ito ng MTRCB, ang kaniyang resignasyon ay hindi tinanggap. Totoo kaya ang tsismis na ang superstar na ito ay lulong na naman sa kaniyang dating bisyo at hindi mahagilap. Hindi niya ginaya ang dati niyang karibal sa popularidad na inayos niya ang kaniyang buhay at ngayon ay isa ng matagumpay na mayor sa isang bayan sa Batangas. Susmaryakapra,para na akong si Cristy Fermin nito, ayaw ko mang aminin.

Ahahay.

Noong isang Linggo ay tinawag ni Laguardia ang pansin nina Zsa Zsa Padilla at Vina Morales sa masagwang pananamit nila sa kanilang programa.

Ang hindi ko talaga mahukay sa kailalim laliman ng akong pag-iisip ay bakit kailangan nilang magsuot ng mga nagbibilad ng kanilang katawan na sinusuot lang ng mga babaeng ang hanapbuhay ay magbigay ng aliw sa lugar na madidilim.

Ang mga iniladlad nilang bahagi ng katawan ay mga peke naman.Para silang may mga balloon na may lamang tubig sa kanilang mga dibdib na anumang oras ay puputok pag natusok.

Sandali para akong pintasera nito. Talaga naman. Matingnan nga aking harap. Hmmm,hindi naman "ito kasinlaki ng upo at hindi naman kasinliit ng siomai na niluluto ni Sassy. Malalaman naman ninyo ang harap at likod pag ako nakatagilid. Ibig sabihin, hindi ako naiinggit noh.

Atsetsetse

Humaba rin ang saplot ng mga seksing nagsasayaw sa programa. Natuwa siguro ang mga nagtitinda ng tela.

Yehey

Ang ibig kong maalis sa TV ay ang mga lalaking nagsusuot ng mga damit ng babae at nagsasayaw na nagbabakla-baklaan. Hindi nakakatawa.Sagwang tingnan.

Tseee

Wala na sigurong makuhang scoop si Boy Abunda kaya kahit ang pag-amin ng di kilalang komedyante na siya ay bakla ay binigyan niya ng kahalagahan. Maging ang paghanap nito ng kapwa lalaking mamahalin ay ipinakita pa sa kaniyang programa.

Nakasulasok.

Bwarkkk

Isang kaibigan ko ang nagsabi sa akin kung bakit naiinis ako sa mga programang aking napapanood. Kung ako raw ay naiinis ay di huwag manood.

Kung hindi ko ito panoorin at hindi ako magsasalita tungkol sa ikinababa ng moral ng mga tao para na rin akong nakakita ng isang panganib na hindi ako nagbabala dahil ang aking pagtanaw ay ang "walang pakialam attitude".

Minsan ay nagsulat ako tungkol sa isang seksing babae na hindi naman dapat sa Wazzzup wazzup dahil siya ay out of place na mga tad jocks doon na kahit mga nagpapaweird ay mga disente naman ang suot. Ngayon ay wala na siya roon. Hindi ko sinabing nabasa nila ang sinulat ko, pero may kaparehong utak siguro ako na nagsuggest sa producers ng show na tanggalin na siya.

Halos lahat ng bata o kabataan ay nanood ng TV. Hindi lahat ng kabataan ay pumapasok sa iskuwela. Marami sa magulang ang hindi alam ang pinanood ng kanilang mga anak. Marami tuloy sa kabataan ang nag-aakalang ang ginagawa ng mga artistang ito ang tama at siyang dapat gayahin.

Sandali,bakit nga ba ako nangangaral? Pakikurot nga ako.

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home