Kilala mo ba kung sino ako ?
Dear Mouse,
Sa lahat nang ayaw kong naririnig o nababasa ay itong salitang, Kilala mo ba kung sino ako ?
Maraming ibig sabihin ang salitang ito.
1. Mayabang ang nagsalita.
2. May ipinagmamalaking kapangyarihan ang nagsalita.
3. Mapangmata ang nagsalita.
4. May kasamang banta ang pagsasalita.
Kapag ang nagsabi naman nito ay ibang tao para ipamukha sa isang nilalang kung sino ang kinakalaban niya,ang nilalang na yon ay makitid ang isip.
Hindi lahat ng doktor ay alam lahat ang sakit. Hindi lahat nang nagsusulat ay alam lahat ang paksa.
Hindi garantiya ang pagiging matagal na sa industriya ay pagiging magaling.
Mas maraming mga kabataang nagtataglay ng galing dahil sila ay hindi nagpapahuli sa mga bagong teknolohiya,nagbabasa at nag-aaral.
Ang mga kabataan ay handang harapin ang mga pagbabago, samantalang ang mga naturingang beterano ay hindi karakarakang tumanggap ng mga bagong ideya.
Kaya yong nagkumentaryo sa blog ni W.Galang:`
Ang sagot ko ay ano naman ang dapat gawin?Barto says:
Strong words. What if Mayuga asks you "do you know who I am?"
Manginig dahil magaling siyang magsulat ?
Tatahimik dahil magaling siyang magsulat ?
Tanggaping lahat ng sinasabi niya ay tama, dahil magaling siyang magsulat?
Ganon?
Hindi ko na sana papatulan ang komentaryong ito pero ang masamang ugali na ito ng Pinoy ang isa sa mga dahilan dahil tayo ay umaasenso. Mahilig tayong magdiyos sa mga may pangalan, may kapangyarihan, may kayamanan at tila ba wala ng karapatang magsalita nang hindi pag-ayon.
Dito ko sinulat ang sagot ko sa kumentaryong yon dahil sa akin itong blog na ito.
The Ca t
8 Comments:
Objection your honor! The question is irrelevant.
He he he. Kilala ko siya. Eh ano ngayon?
korek ka jan! "who do you think you are anyway" dapat ang sagot jan!!!
Bakit dapat bang kilalanin siya?
Easy ka lang Ca t. Mas sikat ka naman eh. :)
Tin Tin
http://www.stannum.net/
Oo nga naman. Asan ang relevance non? O sige, kilala ko siya, does that make her arguments stronger? E kung siya nasindak, sorry kamo, kasi ikaw, hindi. :-)
tama yang post mo. ang dapat sagot dyan eh:
"Kilala mo ba ako kung sino ako"?
Ang sagot eh, "Hindi eh, quits lang tayo. ako kilala mo rin ba?" hehehe.
Teka nga, may blog ba yung Barto na yun? Ma-hunting.
Sustained ba ang tamang sagot saiyong objection, Marvin ? hehehe
Xp-ang sagot ko naman ay ako kilala mo ? Hindi?
O di hindi. yekyekyek
Tin- hindi ako sikat. Si Ca t lang ko.bwhahaha
Titorolly-hindi ako madaling masindak ng pangalan. multo nga kinakausap ko pa eh. Pangit na mukha oo anyenyenye
Sassy-Easy lang. B-day mo pa naman. Gamitin mo muna
sa cake yong tabak. hahaha
Well-said. You couldn't have said it any better. :)
Ako di ko sya kilala, eh ano ngayon? Ako kilala ba nya ako? Siyempre hindi. :) Hahaha
Hindi pa ba tapos ang issue with INQ7 and talking points? Ayaw pa rin nila makinig?
Post a Comment
<< Home