Ghosthunters
Dear Mouse,
Dahil malapit na ang haloween ay minarapat kong bigyan kayo ng mga ghost stories hindi para takutin, kung hindi pag-usapan ang mga bagay-bagay na iniisip nating katawatawa nguni't sa ibang bansa ay isang malaking aralin upang lalong maunawaan.
Sa mga hindi naniniwala sa multo, hindi ko kayo pipiliting maniwala. Tingnan lang ninyo ang likod ninyo at baka may nakaupong multo at nakangisi sainyong likod.
hihihihi
(tawang buruka).
Kung inaakala ninyo na ang ghostbusters ay sa pelikula lang, nagkakamali kayo.
Sa Pilipinas ay may mga tinatawag na Spirit Questors at sa Estet ay may tinatawag na Ghosthunters.
Samantalang hanapuhay ang humuli ng multo para sa Ghostbusters, sa Ghosthunters, ito ay isang misyon na nagmula sa isip na ibig palawakin ang kanilang kaalaman sa mga bagay na mahirap ipaliwanag kagaya ng mga nababalitang mga pagmumulto o "hauntings".
Kung ang questors ay pagdarasal at pagkausap sa mga ispiritung ayaw pang Lisanin ang mundo ng mga buhay, ang mga Ghosthunters ay may mga gamit katulad ng:
1.Emf Meters. 2. Night Vision Cameras. 3. Digital Temperature Gauge. 4. Digital Cameras. 5. Trigger Objects i.e A Cross 6. Walkie Talkies. 7. Torches. 8. Room Sensors. 9. Night Vision Glasses. 10.Notebooks. 11. Compass. 12. Humidity Meter at iba pang eletronic Products na pangsagap ng ingay, liwanag at mga galaw.
Ang mga imbestigador ay kasapi sa isang paranormal society na ang ginagastos sa imbestigasyon ay nanggagaling sa mga donasyon. May kaniya-kaniyang hanapbuhay ang mga kasapi at hindi sila tumatanggap ng suweldo mula sa asosasyon.
Pagkatapos nilang makakuha ng sapat na impormasyon mula sa bahay O lugar na pinaghihinalaang “haunted” sila ay nauupo at nag-uusap kung ano ang sa palagay nila ang tutoong nangyayari.
Kung hindi sapat ang ebidensiya, sila ay bumabalik sa lugar at ipagpapatuloy Ang pagkuha ng mga bagay-bagay na makakadagdag sa kanilang pagtatalakay.
Kapag may nakita silang hindi normal at hinihinala nilang ito ay sanhi ng mali nilang pag-iilaw, paglalagay sa tamang anggulo ang camera o kaya ay ingay na nanggagaling sa kanilang instrumento, sila ay matiyagang bumabalik at inuulit ang kanilang imbestigasyon.
Multo sa Taberna
Sa episode na napanood ko, sila ay tinawag ng may-ari ng isang taberna na kung saan madalas daw ang kanilang mga sebidora ay nagsasabing may nakikitang isang batang babae at nakarinig ng mga ingay at paggalaw ng mga upuan at mesa. Sa ibang bahagi naman ng bahay ay maririning Ang iba’t ibang ingay. Ito ang mga sinasabi nilang visual sightings at phantom footsteps at eerie sounds.
Ang unang inaalam ng grupo ay ang mga bagay-bagay sa gusaling pinaghihinalaang may multo. Ang history ang mga taong natira at ang mga pangyayaring maaring nagging sanhi ng pagmumulto. Sa kaso ng taberna, napag-alaman nila na mahigit na isandaang taon na ang gusali at marami na ang mga tumira roon.
Isang mahalagang impormasyon na nakuha nila ay ang namatay na batang babaeng nasagasaan ng tren at dinala doon para isalba ang buhay . Sa kasamaang palad, ang bata ay namatay. Ang kaniyang damit ay naiwanan pa sa “attic” ng gusali.
May tumira rin sa gusaling yon na isang lalaking mainitin ang ulo na pag sinsusumpong ay laging naghahanap ng away.
Ang mga imbestigador ay hindi nagdadasal. Kung tawagin man nila ang mga ispiritu ay parang kinakausap lang nila.
Dalawa-dalawang imbestigador ang pumupunta sa mga bahagi ng gusali. Ang babae at lalaking nautusang makiusap sa batang babae ay nakaramdam ng malamig na hangin nang sila ay magsimulang maghintay upang “lumabas ang bata “. Kinuha nila ang temperatura ng lugar kung saan mayroong malamig na hangin. At naitala nila ang mas mababang numero kaysa sa kabuuan ng lugar na iyon. May nakita silang gumalaw nguni’t hindi nila magamit ang camera. Ito ay nagloko.
Sa mga bahagi ng gusali kung saan sila ay may nararamdamang kakaiba, ang larawang lumalabas sa video ay lumalabo.
Matapos ang kanilang imbestigasyon, sila ay nagsama-samang tingnan ang mga ebidensiyang magpapatunay na ang lugar ay minumulto.
Una ay ang orb sa larawan-ito ay bilog na ilaw o tila apoy na bilog na makikita sa larawang kinuha sa lugar na naglipana ang ispiritu. Ito ang unang unang ebidensiya na maraming multo sa lugar na iyon. Pinaniniwalaan na ang mga espiritu ay nangangailangan ng enerhiya para sila ay magkaroon ng hugis upang makita ng mga taong buhay.
(Sa larawang kinuha ni Sassy sa lumang hotel ay dalawang “ORBS”ang lumabas.Isa ay nasa gitna ng larawan na inisip na ito ay isa lamang repleksion. Ngunit saan nanggaling ang repleksion ? Sa araw? Sa camera ? Ang isa pang orb na nakita sa larawang yaon ay Inisip ng marami na mata ng aso na kumikislap sa gabi pag natamaan ng ilaw. Hindi lahat ng mata ng aso ay kikislap kahit sa dilim)
ito ay galing sa mga larawan ng mga imbestigasyon tungkol sa multo.
Ikalawa-Ingay- sa kanilang nakalap na ingay, sila ay may nabuong mga salitang
I am not….We are not.
Hindi nila mawari ang kahulugan ng mga boses na iyon.
Maaring ito raw ay nagsasabing- We are not dead na pangkaraniwang dahilan kaya ang mga namatay na ay hindi pa lumilisan sa lugar na kanilang kinamatayan.
Sa aking palagay, maari rin itong pahiwatig na WE ARE NOT EVIL.
Ikatlo- Liwanag-Hindi kagaya ng orb ito ay hindi bilog kung hindi parang usok na lumitaw sa likod ng mesang may salamin at pumaitaas hanggang nawala. Kung ang liwanag ay nanggaling sa ilaw na malapit doon,dapat ay may repleksiyon ang liwanag sa salamin. Inimbestigahan muli ang lugar na iyon at naghanap sila ng mga bagay sa Malapit sa kinakitaan ng liwanag.Wala.
Nguni’t ano ba ang multo at bakit may multo ?
Sasagutin ito sa aking choicecat. What are ghosts ?
Susunod, Filipino ghosthunters.
The Ca t
1 Comments:
Where can we get in touch with the Spirit Questors?
Post a Comment
<< Home