Nakabili siya ng multo
Dear Mouse,
Nakikibedspace siya sa amin. Nagtatrabaho siya sa umaga at nag-aaral sa gabi.Isang araw may bitbit siyang portable na typewriter. Mura lang daw ang bili niya.Kalahati ng presyo kung bibilhin sa tindahan. Sabi ko, swerte naman niya. Saan naman niya nabili yon ?
Baka ang tiklado ay sa Intsik, at ang ribbon ay sa sapatos.
Hahaha
Sabi niya multo raw yon. Anong multo ?
Pinakita niya sa akin ang mga dokumentong kasama ng typewriter.Hmmmm, binili ng isang sangay ng gobyerno.
Kulit ko. Paano nila naipagbibili yan ? Sabi niya, yan ang mga “ghost purchases”. Itong klaseng ito ay may mga binili pero Hindi napupunta sa opisinang nangangailangan. Pinagbibili sa labas sa murang halaga.
Hindi ba kako nachecheck yang binili at yong dineliver ?
Sabi niya, sinong magchecheck kung ang sayaw nila ay rigodon na hindi puwedeng isayaw nang nag-iisa.
Kahit hindi matalinghaga ang sinaad niya, sa mura kong isip hindi ko pa rin siya maiintindihan.
Pero ang lalong nakakabaliw ay ang kahit multo ay wala.Dito ang mga suppliers ay tumatanggap ng buong bayad na wala naming denedeliver na producto. Ang 80 per cent ay bumabalik sa mga taong gumawa ng requisition, nag-aapprove ng purchase order at ang nagbigay ng otorisasyon para sa paggasta sa pinanggalingang badyet.
Ang sayaw nila ay hindi lang tanggo sa pagitan ng supplier at ng goyerno kung hindi macarena para sa mga opisyales at hindi opisyales na sangkot sa transaksiyon.
Ang propesor ko sa Government Accounting ang nagsabing matagal na itong nangyayari sa pamahalaan.
Sabi nga niya por dyos por santo equals eight.
Sinong nakakaalam kung ano ang "fixed assets " ng gobyerno. Kung inaaudit ito,paano nalalaman ng publiko ang binili, ang luma ng hindi ginagamit o kaya ang mga pinagpapasasaan na ng kalawang at ang mga tinutubuan ng talaba sa ilalim ng dagat.
Taga gobyerno rin siya pero sabi niya sa gobyerno ang corruption ay nangyayari pag may sabwatan lalo na sa military na may mga kapatiran ang mga Opisyales na pag hindi ka miyembro ay hindi ka anak ng diyos kahit sa labas.Sama-sama sila sa hirap, pandaraya at sa sarap.
Sayang patay na ang propesor kong iyon na pambayad lang sa ospital ay wala pang mahagilap ang pamilya. Disin sana ay sinabihan niya na ako ng...Anong sabi ko saiyo,bata ?
Marahil, may mga opisyales lang sa AFP na hindi naambunan o kaya ay masyadong nakasulasok lang sa grabeng pagpapayaman ni Garcia sa tatlong taong niyang nasa puwesto. Milyon- milyon ang pinag-uusapan.Hindi lang pesoses kung hindi dolyar.
Pero anuman ang dahilan, dapat ay may maparusahan.
Meron kaya ? Kung hindi multuhin sana kayo ng maraming sundalong namatay dahil tinipid sila, makakurakot lang.
Kung inaakala ninyong gawa-gawa ko lang itong sinulat ko,kayo ay nagkakamali. Tanungin man ninyo ang propesor kung sumakabilang buhay na. anyenyenye
The Ca t
1 Comments:
'Mre,
Di lang multo, marami pang aswang sa gobyerno, uubusin at sasairin ang dugo mo hanggang maging buto't balat ka na lang, Palakihan ng pangil at pahabaan ng buntot, tumalab kaya bawang sa kanila, hehehe.
Post a Comment
<< Home