Thursday, October 28, 2004

Patricia Evangelista, bow ulit

Dear Mouse,

Oras-oras ay pinapakita sa TFC ang mga Pilipinong nagbigay ng karangalan sa Pilipinas at isa sa mga ito ay si Patricia Evangelista, ang labinwalong taong gulang na nakilala dahil sa kaniyang talumpating "BorderlessWorld " na nagpanalo sa kaniya sa isang International Speaking Competition sa England.

Magaling talaga siya.

Sa blog ni jangelo ay nakita ko ang artikulo ni Patricia.

Hayaan ninyong talakayin ko ang kaniyang sinulat at ipahayag ang aking sariling kuro-kuro.

In London, I didnt win on my own. I was lucky enough to be under the tutelage of some of the best minds in the country. Great writers like Krip Yuson, Gemino Abad, Butch Dalisay, Boo Chanco and Ed Maranan, along with former ambassador Ed Espiritu took me under their wing.

Lalong nadagdagan ang aking paghanga sa kaniya sa sinulat niyang ito. Sa murang gulang ay marunong siyang magpahalaga sa mga taong nakatulong sa kaniyang pagtagumpay.

Alam nating lahat na sa likod ng tagumpay ng tao na maliban sa ating mga magulang at kapatid may mga taong nag-aambag ng kanilang kaalaman.

Ang aking kapatid na babae ay nag-aral sa Ateneo dahil sa scholarship niyang pinanalunan sa isang paligsahan kung saan ang kaniyang mentor ay isang Batang-batang alagad ng Diyos. Siya ang nagturo sa kaniya ng mga dapat niyang malaman sa mga bagay-bagay na hindi niya makukuha sa aklat.

Hindi man dapat, (Siningit ko na naman ang sarili ko. Ang umalma ay padadalhan ko ng multo.)ay ibig ko ring isulat ang naging coach ko isa isang oratorical contest na sinasalihan ko sa rehiyon. Hindi ninyo naitatanong, ang aking boses ay “bedroom voice” yong boses na dapat ay itago lang sa kuwarto.

atsetse...

Isa ko siyang guro sa English na ang pasensiya yata sa katawan ay dulot ng tinapay na ang tawag ay paciencia.

Sa loob ng isang buwan niyang matiyagang pagturo ng tumpak na paghahahati ng mga salita at tamang pagbigay ng diin sa mga salitang magbibigay ng mensahe sa nakikinig at ang pag-alis niya sa aking aksentong nakuha ko marahil sa mga kapitbahay, mga kamag-anak at mga kalaro, ako ay nanalo sa palabigkasan.

Ikatlo lamang ako, pero ang aking guro ay tumulo ang luha na hindi sapat ampatin ng dala niyang lumang-lampin-na-ginawang-panyo- tuwalya. Ang aking ina ay natuwa sa iniuwi kong mga school supplies at isang tansong medalya.Hindi man niya sabihin ay alam kong ipinagmamalaki niya ito sa aming mga kapitbahay na kung puwede ko lang gawin itong kuwintas, disin sana ay ginawa ko na. Sa mura kong isip na sampung taong gulang, itinanong ko kung maisasanla ko kaya yong medalyang yaon?

The Ca t

1 Comments:

At 11:09 AM, Anonymous Anonymous said...

What is your take on this part of the article?

FILIPINO IDOL CRAZED
By Patricia Chanco Evangelista
The Philippine STAR 10/22/2004

But when the competition gave me the platform to speak about a borderless world, I spoke, I said everything I wished I said years ago. I was like a madman on a soapbox, I condemned the Filipinos who chose to leave, said they deserved to be pushed down the road to hell on a handcart. Traitors and turncoats, I called them.

 

Post a Comment

<< Home