Rebolusyon-ani Randy David, MLQ at TF
Dear Mouse,
Bukambibig ngayon ang sinasabing posibilidad na may pag-aalsa.
Kagabi, nanonood ako ng The Correspondents. Sabi ng isang matandang babae na ininterview: "Mali ang paalisin kaming nakatira dito sa aming tinitirhan. Paano ang mga bata. Paano kami. Pagginawa ito nang gobyerno, mag-aalsa ang mahihirap."
Ito ang opinyon mula sa masa. Lahat ng hindi ikabubuti sa kanila ay dapat ipag-alsa. Para bang ganoon lang kadali. Ganoon lang kababaw na ang buong mamamayang naghihirap ay mag-aalsa dahil sa sila ay malalayo sa gusto nilang tirahan ng libre.
Ang opinion naman ng mga intellectual ay kung may rebolusyon,saan manggagaling, sa kaliwa,sa kanan o sa taas?
Sa opinion ni Randy David, hindi imposible ang magkaroon muli ng PP kung magpapatuloy ang pamahalaan sa tila walang pagbabagong pamamalakad.Napapansin niya na ang pagkawalang pag-asa ay nanggaling sa mga may pinag-aralan; may nauunawaan sa takbo ng pulitika.
Sa opinion ni Manuel Quezon III, wala na ang mga grupo ng Filipinong inaasahang mag-aalsang katulad nang nangyari sa mga nakaraang People Power. Sila ay nasa Amerika, Europa at iba’t iba pang bahagi ng Mundo.Hindi niya inaasahan kailan man ang mga masa upang magpasimuno. Napatunayan na ang mga masa ay nagagamit ng mga may kapangyarihan, ng mayayaman ng mga pulitiko.
Sa Opinion ni Torn and Frayed, kung ang panahon ay dumating at ang mga Pinoy ay wala nang makuhang trabaho at sila ay mapilitang mananatili na sa Pinas, marahil ay magkakaroon ng unti-unting paglakas ng makakanan at ang lumalalang peace and order situation ang maaring magtulak sa mga Pilipino upang ihalal ang mga katulad ni Ping at Bayani Fernando.
Hindi man karapat-dapat ay ibig magpahayag ng opinion si Pusa.
Sa opinyong handa na sa rebolusyon ang mga Pilipino,sumangsang-ayon si Pusa sa opinyon ni MLQ.Hindi naniniwala si Pusa na ito ay nasa utak ng mga Pilipino.
Bukambibig-oo.
Kaya masasabi ko na nagiging panakot na lang ito. Parang matandang tigreng hanggang growl lang Nguni’t wala ng ngipin para kumagat.
Sa mga intellectual na kagaya ni Randy David, hindi kaya ang nakukuha niyang opinion ay sa desperasyon lang ng grupong kaniyang kasalasalamuha.Minsan ay hanggang gayak lang at walang gustong sumama?
Kay Torn and Frayed-matagal nang nagkaroon ng mass lay-offs sa West. Hindi dahil lamang sa ekonomiya kung hindi dahil sa pag-outsourced ng mga trabaho sa iba’t ibang bansa kung saan mas mura ang suweldo. Marami na ang nadala sa Pinas.Marami na ang nakakuha ng trabaho na dati ay makukuha lamang sa labas ng bansa.
Ang mga umaalis ay ang mga skilled workers (brawn) na ang political consciousness Ay hanggang sa balita lamang na nababasa nila. Ang corruption na alam nila ay ang epekto lamang ng mga maliliit na dang pisong kotong ng mga pulis at hindi ang milyong-milyong ninakaw ng mga heneral, mga overpricing ng mga congressmen para mapasasaan ang pork barrel at ang mga nakakahiyang malalaking sweldo ng mga GOCCS na ang pera ay galing pa rin sa kaban ng bayan.
Kailan man ay hindi magiging katanggap-tanggap sa Pinoy si Ping. Ang kaso niya ay laging parang anino sa kaniyang likod na katatakutan ng mamamayan.
Si Bayani Fernando , kailan man ay hindi rin magiging epektibong lider ng Bansa. Sa isang maliit na pamayanan maari ang kaniyang management style. Sa bansa na ang naghahari sa bawa’t rehiyon ay mga political dynasty,walang susunod sa kaniya kahit ito ay ikakabuti ng marami.
So ano ang masasabi ng Pusa?
Patuloy ang pag-inog ng mundo. Ang mga balita sa corruption ay susulpot sa media hanggang panibagong iskandalo na naman ang lumabas. Ang mga nasangkot sa iskandalo ay hindi rin mapaparusahan at pagdating ng panahon ay patatawarin pa rin.
Ang mga mahihirap ay patuloy tatakutin ang pamahalaan.Ang mga matatalino ay patuloy na gagawing dahilan nag kahirapan at pagkagutom upang makakuha sila ng pera sa mga sponsoring agencies. Ang mga military ay patuloy na sasabihing ang peace and order situation ay lumalala. Hindi ba dito nagkamal ng salapi si Marcos at ngayon ay ang mga heneral na mga ipot pa ng kaniyang administrasyon ? Patuloy ang pagdaloy ng pera upang gamitin sa mga paglaban sa masamang elemento.
Hindi po crystal ball ni Madam Auring ang tinitingnan ko kung hindi ang takip ng lata ng biscuit kung saan makakita rin ng repleksiyon.
Ang mga ibang kagaya kong nasa ibang bansa ay ayaw nang makapagbasa nang mga ganitong balita. Hindi dahil ayaw nilang tumulong kung hindi dahil sa Attitude na: " What’s new?".
Ang Pusa ay dapat ganoon din ang attitude lalo na’t nababawasan ang mga nagbabasa sa kaniya pag pulitika ang pinag-uusapan.
Pero ang Pusa ay may sakit na pagkamasokista. Mahilig niyang saktan ang sarili sa pagbabasa ng mga balitang hindi magaganda.
Sandali lang.
!@#$%^&*()!@#$%^&*
Ayan, napatay ko na yong naligaw na insekto.
Nextbadnewsplease.
The Ca t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home