Sunday, October 10, 2004

Bugtungan Tayo

Dear Mouse,

Marami sa atin ang hindi nakakaalala ng isa sa yaman ng kultura,ang BUGTONG.

Ang mga susunod po ay mga bugtong. Dalawa po ang sagot. Piliin ang angkop sa tanong.

1.Isda ko sa may sapa, Suson, suson ang taba.

Sagot: Saha ng saging

Sagot ni Ca t:Carlos F.Garcia

Di ba suson, suson ang kaniyang pera itinakbo na naman sa Estados Unidos?

Dapat diyan ibanana cue.

2.Pinakain ka ng pinakain Pagkatapos ay ibinitin.

Sagot:Bingwit

Sagot ni Ca t:Tatlo ang sagot ni Ca t

a. Keana Reeves-pagkatapos ipagladlaran ang kaniyang dibdib at ang mga sikreto kuno na marami siyang mga naging kustomer na politicians,bigla siyang natamimi.Bitin.

b.Isa pang escort girl na nagsaad na isang senador at kongresista ang madalas na maging customer ng mga escort girls.Handa raw siyang banggitin ang mga pangalan.Hanggang ngayon ay wala ang mga pangalan. BITIN.

k.Rex Robles-Binanggit na dalawang cabinet member ang inimembestigahan tungkol sa money laundering. Tumangging sabihin ang pangalan ng dalawa dahil nakaseal pa raw. MAy nakapagbulong lang daw sa kaniya. BITIN.

The Ca t

2 Comments:

At 9:22 PM, Blogger Nabaza.com said...

saan kaya ako makakuha ng mga bugtong collection? kailangan ko kasi sa Pinoy Ebooks eh


- http://www.Sikat.PH

 
At 5:06 AM, Anonymous Anonymous said...

ano ba ang ibig sabihin ng "kapana" sagot daw ito sa bugtong na ito.."di masukat di madipa pinagtulungan pa ng lima.. slamat

 

Post a Comment

<< Home