Si Patricia at si Faye
Dear Mouse,
Kung nabasa na ninyo ang artikulo ni Patricia Chanco Evangelista na tinukoy ko sa aking nakaraang blog, makikita ninyo na hindi tungkol sa kaniyang sarili ang kaniyang sinulat kung hindi tungkol kay Faye, ang labing-isang taong gulang na batang nagdala ng karangalan sa Pilipinas nguni't hindi kasing palad niyang nabigyan ng pagpuring kagaya ng tinanggap niya.
Ang artikulo ni Patricia ay panggising sa mga tao tungkol sa mga kongresista, senador at kahit na ang ating pangulo na hindi tutulong kung walang kamera ng TV na nakatutok o kaya ay hindi malalathala ang kanilang pangalan sa mga pahayagan.
Ani Patricia
Faye's story is an extraordinary one. Given financial constraints, especially since her mother was raising Faye on her own, they went to various congressmen for aid. Only one was willing to help them in exchange for the senator taking credit for the childs former achievements (and there were many). Her mother did what any self-respecting mother would have, she refused.
Pakibutas nga ang gulong ng kanilang kotse na may wangwang.Tsee.
Ang artikulo ni Patricia ay pangmulat sa mga Pilipinong nagbibigay ng halaga sa mga taong ang pagiging kilala lamang ay ang kanilang gandang kumukupas at ang magagandang boses na nawawalan ng taginting paglipas ng panahon kagaya ni Nora Aunor. Ang mga pagkilala sa katalinuhan na Pilipino lamang ang makakapagmalaking nag-aangkin ay bale-wala.
Ang artikulong ito ay nagsasaad sa atin na sa kabila ng mga pagsubok mayroon tayong ina na sasamahan tayo kahit sa ating pag-iisang pakikibaka.
Ani Patricia,
They were shocked by the sight that faced them. Each competitor had his own cheering squad, a band and a flag. Young Faye had no one other than her mother. In the final round, Faye was the only Asian left competing and was cheered on to victory by her fellow Asians, the Japanese. It was a Japanese diplomat who helped them secure temporary passports, with the prize money only sufficient to bring them back home.
At tayo ay nagkakapaos na sumigaw para sa hinahangaan nating mga idol sa TV na ang maipagmamalaki lamang ay ang binibilad nilang katawan.
Pakisapok nga para sa akin.
Ang artikulong ito ni Patricia ay nagsasaad kung paanong ang iba sa ating mga Pilipino ay sa halip na makatulong, sila pa ang nagsasamantala.
Ani Patricia,
Mother and daughter went to Australia by dint of their own savings. They collected her "Best in Physics" award in Brisbane and moved on to Sydney for the Quiz. They were aided by none other than a "kind" Filipina on the plane, who very kindly stole their luggage, passports and plane tickets, leaving the pair with carry-on luggage.
Sa Pilipinang iyon, magkaroon ka sana ng galis na tuwing kakati ay maalala mo ang mag-inang ninakawan mo ng kanilang natitirang kayamanan.
Ang artikulo ni Patricia ay nagbibigay ng pagpugay sa isang labing-isang taong Pilipina at ang kaniyang ina sa mga sakripisyong hindi lamang kanila ang karangalan kung hindi sa bansang Pilipinas.
Ani Patricia
They sold their clothes for food, and begged for help from Filipino officials. They were given an overnight stay in a hotel, but no more. They had to check out the next day, and with no money for transportation, they walked the two kilometers to the tournament site.
Sino ang hindi magbibigay ng pugay sa ganitong mag-ina ?
Mula sa isang batang Pilipina na nagbigay karangalan sa Pilipinas, ito ang kaniyang mensahe sa isang batang Pilipina na ang ginawa ay dapat ring ikarangal ng ating kababayan.
Faye, congratulations. You did the country proud.
Amen, Patricia.Miyaw.
The Ca t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home