Saturday, November 06, 2004

Faye again?

Dear Mouse,

Pasensiya ka kung gawing kong blog ang sagot ko sa mga comments sa aking blog na The Bloggers Started It All.

Excelwrote:

Akala ko tapos na 'to kasi na-interview na ni Jessica Soho, pero hindi pa rin daw sabi nitong si roc:

The Ca t sez:

Alam mo namang masunurin ako saiyo kaya basa naman ako. Obviously, hanggang article siya at hindi niya nakita ang live interview kay Faye.

May blog akong hiwalay para rebuttal sa story niya at sa mga comments ng mga Filipinong talangka.hmppp

Excel wrote:

Cathy naman, alisin mo yung pangalan ko kasi ayoko ma-google ako ng parents ko, mga kapatid ko, mga boss ko...

The Ca t sez:

..pinagkakautangan..etc. Aalisin ko na. Ang tawag ko na lang saiyo ay si EXCEL.

EXCEL wrote:

I really doubt it kung ako ang major forwarder. Kasi kahit sa Japan, ayon kay Kris Berse, pinagtalunan to.

The Cat sez:

Kaya ko inilagay ang timeline ng mga blogs ko at ng kay Jangelo at pati ang comment ay para makita kung sino ang unang nagreact sa column ni Patricia nang pinakamaaga. As you can see, parehong Oct. 28 ang posts namin ni Jaangelo, kay flyingroc ay 10-29-04. Ang comment na finorward mo sa akin ay 10-31.Probably yong commenter ay nakabasa ng blog na nirerefute ang story ni Patricia.

Excel wrote:

I think ang major forwarders niyan mga taga PinoyWriters kung saan I'm a major pasaway. Sali na!Koreksiyon: Lurker lang po ako sa Plaridel, hehe. "Kapwa manunulat"? Aaak, kakahiya naman kay Mr. Lacaba.

The Ca t sez:

Hindi ako manunulat, manggugulat lang ako.

At 6:11 PM, Dr. Emer said... I'm happy you're getting better, Cath. It seems to me you're ready to test your sharp claws again... :)

The Ca t sez:

Thanks Doc. Maysakit pa rin pero trying to fight it.Pero yong claws ko matulis pa rin.

At 6:47 PM, rolly said...

Di ako naniniwalang 2 lang kaming reader mo. kami lang ang madalas mag=comment siguro. La ka aksing site meter kaya di mo alam kung ilang hits ka a day e. madaming nagbabasa ng sinulat mo, nahihiya lang mag-comment.

Ano ba yan, na iinsecure ang media sa bloggers? :-)

The Ca t sez:

Tenks sa bilib mo sa akin titorolly. Kagaya ka ng kaopisina ni pinay. Nagbibiro lang ako titorolly. Dalawa ang sitemeters ko pero ayaw kong idispley.Ginagamit ko yong stats sa pagpili ng topic ng gusto ng readers/searchers.With my links na kagaya ninyo at ng pinoyblog,saka madali pa akong hanapin sa google as cathcath, malakas ang traffic ko sa Now What, Ca t. Araw-araw kailangan ng pulis. Hindi lang sila sumasagot dahil wala naman sila dapat sagutin. Marami ring hindi nakakaintindi ng malalim kong Tagalog. Kaya Tagalog ang gamit ko (hehehe).Isa pa karamihan sa mga columnists natin at mga writers ay sa English ang sulat. Maiba naman kami nina Eder.

At 10:47 PM, Sassy Lawyer said...

Dear Pusa,

kung nabubwisit ka na sa blogger, pwede ba MAGPALIT KA NA NG SCRIPT!!!! Hirap mag-comment. Tagal mag-load ng pics.

Sa cpanel mo (o pareho lang yan sa akin at ploghost ka din), marami ka mapapagpilian. promise. hindi mahirap. dummy blog muna hanggang maayos mo. Para hindi ka na rin mag-image bucket. At bakeeet nga ba ang bagal nyan?? Sige na, please, para mas masaya... yung tuloy tuloy and comment thread.

The Ca t sez:

Ayan nasermunan tuloy ako. hehehe. Tamad ko kasi. Pag maganda na ang aking pakiramdam, C at tapos na aking emotional crisis.

The Ca t :

To gwen, your comment deserves a separate blog.

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home