Patricia's Faye -hindi Feyke
Dear Mouse,
Pagkatapos kung basahin ang e-mail ni XP, binasa ko rin ang column ni Federico Pascual tungkol kay Faye. Inuhaw ako kaya baba ako sa sala. Palabas ang Special Assignment ni Luchi Cruz at hulaan ninyo kung sino ang napanood ko...si Faye Nicole San Juan ang sinasabing fake.
Nag-aaral pala siya sa paaralan ng aking pamangkin na malapit sa amin ang St. James sa Tandang Sora.
Ang mother niya ay si Catherine San Juan na dating teacher at ngayon ay nag-aaral ng nursing sa tulong ng kaniyang ina na nasa America.
Si Faye ay nanalo sa competition na ginawa sa Indonesia kung saan siya ay isa sa Top 5. Ang limang ito ang pumunta sa Australia para maglaban sa unang puwesto.
Ang thesis na isinumite niya ay lumang thesis ng kaniyang ina na kaniya lamang ipinagpatuloy.
Maraming naging haka-haka ang sinagot ni Faye para maliwanagan ang mga isyung dahilan nang hindi kapanipaniwalang istorya ng kaniyang pagkapanalo.
1. Lumapit talaga sila sa mga senador at congressmen.(Hindi na nila binanggit ang pangalan).
2. Talagang may isang Pilipinang tinangay ang isa sa kanilang mga bag.
3.Naglakad sila nang maraming kilometro para lang makahanap nang bibili ng ilan nilang gamit para magkapera.
4. Nilakad lang talaga nila ang lugar ng tournament na nakabakya at nakasaya si Faye.
5. Nanalo ang booth nila dahil authentic at colorful yong kaniyang malong na ginamit at idinispley sa booth.
Hindi napublicize ang kaniyang accomplishment dahil siguro kulang sa suporta ang iskuwela.
Pero sa tingin ko sa mag-ina,sila ang mga taong mapagpakumbaba.
Dahil dito ay saludo pa rin ako kay Faye.
At sa mga hinayupak na mga taong nilapitan niya para sa tulong, magtae sana kayo ng medalyang may tulis sa gitna.
The Ca t
10 Comments:
Ay nabasa ko eto kay Girl Interrupted. 'kala ko hoax. St. James? doon din nag-aral ang aking mga pamangkins.
ayon, eh di nalinawan din. Sino kaya ang nagkalat na hoax lang ang story ni Faye? Sino ba xp?
-a8
http://www.albrine.wyldnation.com/mysite/
nabasa ko din yung ke pascual. sayang dko napanood yung special assignment. di na yan mapapansin ni gma ngayon. busy sya dun sa 2 hostages na OFW.
Uy, naka-post din ng comment.
I'm sure humingi ng tulong ang mag-ina sa mga politiko after the May elections. BAGO nag-eleksyon, siguradong may suporta na, may pabuya pa.
tumpak sassy. Kapag mageeleksyon ay tiyak na mapepera ang mga yan pero after ng eleksyon inuumpisahan ng bawiin yan kaya kahit singkong duling wag na umasa pa.
eto dapat ang iniintindi ng Inquirer ano? paging Manuel Quezon the Third..
Hirit, isa pa. Ngayon hahanapin na si Faye ng mga Congresista. Kailangan ni Congressman magpasiklab na susuportahin niya si Faye sa kanyang iba pang hangarin..winner kasi eh.
sO I guess this puts to rest the quetion on the authenticity of the stroy.
ako din nagtataka kung ano ang magiging reaction
sO I guess this puts to rest the quetion on the authenticity of the stroy.
ako din nagtataka kung ano ang mangyayari kung ngayon sila lumapit sa mga senador. pihado makakakuha sila ng maganda lalo pa't itinampok na yan sa media.
Buti pa boksingero pag nanalo, may pabuyang 1M. Pano natin mae-enganyo ang mga batang mag-aral mabuti?
next time pag lumapit sila sa senador,dapat may kasama silang media.
kandarapa yang mga tinamaan ng lintik na yan.
Post a Comment
<< Home