Saturday, November 20, 2004

George Canseco, Ngayon at Kailan Man

Dear Mouse,

Isa na namang dakilang Pilipino ang pumanaw.

Siya ay si George Canseco na kilalang manlilikha ng awit at tagapaglapat ng musika na nagpatanyag sa mga batikang mang-aawit ng bansa.

Ang katha niyang "AKO AY PILIPINO "ay awit na pagmamalaki sa isang lipi.

Ang kaniyang mga likhaing awit ay halos sa sariling wika.

Bilang pagsaludo sa isang Pilipinong malikhain at hindi na maaring mapantayan, ay pinagsama-sama ko ang ilan sa mga sikat na ngalan (titles)ng kaniyang mga likhang-awit.


PAANO BA ANG MANGARAP, ang katulad ko,

KUNG AKO'Y IIWAN MO, puso’y magtatampo,

KAHIT AKO'Y LUPA, ako’y tapat saiyo,

NGAYON AT KAILAN MAN, ay ‘di magbabago.



HANGGANG SA DULO NG WALANG HANGGAN, nga kaya?

HIRAM na PANAHON, kahit pansamantala,

Tayo ‘y magtitiis SA HIRAP AT GINHAWA,

LANGIS AT TUBIG ,maari ring magsama.



GAANO KADALAS ANG MINSAN,aking banggitin,

Pag-ibig ay sinrupok ng KASTILYONG BUHANGIN,,

SAAN AKO NAGKAMALI, nang kita’y ibigin?

SINASAMBA KITA,iyan ay hindi nilihim.



SALAMIN NG BUHAY,ang bukas ay madilim,

PAGPUTI NG UWAK,ang aking hihintayin ,

MULING BUKSAN ANG PUSO,ako ay gisingin ,

SAAN DARATING ANG UMAGA, tanong sa akin?



SIYA NA BA ang ‘yong bagong kaligayahan?

DITO Ba magtatapos, ating sinimulan?

KAHAPON LAMANG, tila walang katapusan,

SAAN DARATING ANG UMAGA't ang liwayway?


The Ca t

6 Comments:

At 4:26 AM, Blogger infraternam meam said...

cat....
sumalangit nawa ang kaluluwa niya. isang institution yan sa larangan ng kultura ng musika. ngayon siya na ang kinkantahan sa kanyang kinalalagyan.maraming ginawang awitin 'yan at ako ay isang avid fan niyan.

 
At 6:55 AM, Blogger cathcath said...

ako rin frat.

 
At 10:11 AM, Blogger ting-aling said...

Ang tanda ko siya halos gumawa lahat ng kanta ni Sharon Cuneta..bata pa ako noon.

 
At 12:11 PM, Anonymous Anonymous said...

I consider him the Burt Bacharach of the Philippines. Sunud-sunod ang mga magagandang awitin ang nacompose nya noon 70's. May he rest in peace.

 
At 6:17 PM, Blogger R. O. said...

I have one question lang. Yun bang Ako ay Pilipino eh referring to the one sung by Kuh Ledesma? Siguro only the lyrics are Canseco original kasi I've heard that yung melody ng song na yan ay hango sa isang American song. Am I correct or what? Anyway, this doens't make Canseco less of a songwriter. I just want to confirm that little thing kung sakaling may nakakaalam. : )

 
At 5:25 PM, Blogger jannine said...

Dear Cat,

Gusto ko sanang malaman kung kailan ba babalik si Patricia Evangelista sa London para kunin yung award niya kay Prince Philip? Email me na lang kung gusto mong magreply.


Jannine@globalpinoy.com

 

Post a Comment

<< Home