Thursday, November 18, 2004

Hmmmmm

Dear Mouse,

May problema ang aking browser, hindi ko nakikita ang aking recent post pati ng iba. Akala ko tuloy, tumigil ang pag-inog ng mundo. Kaya nandito ako sa aol, nakikiblog.

Wala lang, pero ang nangyari kay Korina ay magandang case sa Organization and Management.

Sa aking Pinaysaamerika, nabanggit ko ang minsan ay nag-munimuni ako sa dahilan ng paglipad ko sa Estet.

Nabanggit ko rin na mahilig sulutin ang aking upuan, kahit walang kutson.

Inaasahan na sa isang organisasyon ang magkaroon ng "clique". Hindi yong isang click mo lang lalapit na. hehehe.

Sa swardspeak, ito ang sinasabing pederasyon. Kailangan mayroon kang kakampi. Ito ang isa sa mga ayaw sa ating mga Pilipino sa banyagang opisina, na oras makapasok ang isa ay may kasunod na hanggang mayroon ng barangay sa loob ng opisina.

Ang mga dahilan ng ibang manedyer sa ganitong praktis ay para sa mas epektibong pamamahala dahil daw oag kakampi mo ang iyong kasama ay may team work.

Hmmm

Isa pang pulitika sa opisina ay ang pag-alis sa puwesto ng isang empleyado na lumalabas hindi siya inaalis kung hindi inillipat lang.

Panay pa ang sabi saiyo na "it's not because of performance, it is just reorganization for a more effective delivery of services. EKEK.

Dito makikita mo ang mga paglalaban ng mga personalidad. Ang kasabihang ako ang nagtanim, ako ang nagbayo, ako ang nagsaing...bakit walang bigas ay hindi pinatotohanan.

Ganiyan talaga ang buhay, parang lata ng sardinas...makipagsiksikan ka para ka makasama sa lata. Uhmmmm lansa

The Ca t

2 Comments:

At 3:33 AM, Blogger rolly said...

Actually totoong hindi maiiwasan magkaroon ng clique sa isang organization. Bukod dito meron pang cabal, etc...Ganun talaga. Ang mahirap kung hindi magkasundo-sundo ang mga cliques. Talagang problema yan dahil napaka-unproductive lalo na pag ang gumagana ay tsismis. Ay nako, sakit sa ulo!!

 
At 11:32 AM, Blogger cathy said...

survival yan titorolly.kagaya sa militar. hindi sila puwedeng makapagtago ng corruption kung walang kasama.

 

Post a Comment

<< Home