Saturday, October 30, 2004

Ayaw niyang malibing

Dear Mouse,

Natira kami sa Pampanga at doon na namatay ang aking ama sa murang gulang dahil sa atake. Bumalik kami sa Maynila pagkatapos niyang pumanaw, kaya kailangan pang magbiyahe kami papunta sa kaniyang puntod tuwing Undas. Maaga pa lamang ay bumibiyahe na kami papunta sa Pampanga. Pagkatapos naming ayusin ang puntod, magtirik ng kandila at magdasal, nakikipagkuwentuhan ang aking mader sa mga katulad naming dumadalaw sa kanilang mga patay. Nakikiupo lamang kami sa dala-dala nilang mga bangkito. Pagkatapos ng isang taon,malalaman naming na ang isang matandang kausap ng aking mader ay kasama na sa mga dinadalaw ng kamag-anak.

Sa loob ng panahong ito lagi kong napapanaginipan na ako raw ay bumabalik sa Pampanga at naghuhukay. Sa minsang pag-uusap naming ng aking mader, nabanggit ko ito sa kaniya at tinanong na baka may kayamanang ibinaon ang aking pader sa aming bahay o kaya ay ang kaniyang pinaniniwalaang hawak na anting-anting na pinamana ng kaniyang lolo sa kaniya. Natawa lamang siya dahil wala siyang alam na puwedeng ibinaon ng aking ama.

Hanggang halos gabi-gabi ay paulit-ulit ang aking panaginip.Hindi ko alam ang dahilan.

Minabuti ng pamilya na ipahukay ang buto ng aking ama at ilipat sa nabili naming memorial lot sa Novaliches.

Pumutok ang Pinatubo. Tinabunan ng lahar ang mga bahay, kalsada, gusali pati sementeryo sa maraming bayan at siyudad sa Gitnang Luzon. Kasamang natabunan ang sementeryong pinaglibingan ng aking ama. Sa isang pinakita sa Tv, isang babae ang nagtirik ng kandila sa isang malawak na lugar na natabunan ng lahar. Wala na ang mga puntod. Wala na ang mga krus. Samantalang kami ay nagdala ng tent at ng foldable na mesa upang dalawin ang aking ama sa bago niyang tahanan.

Sabi ni mader, ayaw malibing ulit ng pader ko sa lahar. Yon ang panaginip kong palagi akong naghuhukay sa aming pinag-iwanan sa kaniya.

Marahil,dahil wala na ang aking panaginip na naghuhukay.

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home