Tabi po-Patay at buhay
Dear Mouse,
Noong isang araw ay isinulat ni Sassy na mas gusto pa niya ang sunugin (cremate) kaysa pagpistahan ng mga ususero at ususera ang kanyang bangkay.
Kamakailan lamang pinayagan ng Simbahang Katoliko ang ganitong gawi ng pag”dispatsa” sa labi ng tao.
Napapanahon na siguro ito dahil, pasikip ng pasikip ang metropolis at nakikipag-agawan na ang mga buhay sa espasyo ng tirahan sa mga patay.
Nang unang dalawang taong pagdalaw namin sa memorial park , naipaparada pa namin ang kotse sa harap mismo ng puntod ng aking ama at lolo. Naglalagay kami ng malaking tent at sa loob, kami ay naglalaro ng scrabble o kaya ay nagkukuwentuhan ng kung anu-ano. Hindi mauubusan ang kuwento ng aking mader.
Nang mga sumunod na taon, hirap na kaming hanapin ang puntod, naipasok pa namin ang kotse,double parking nga lang, pero inabot kami ng dalawang oras bago nakalabas. Ngayon, bawal na ang pumasok, at maglalakad na lang sa sikip ng loob ng memorial Park. Dati puwede kang magpalipad ng saranggola; ngayon, bago mo itaas ang iyong kili-kili, nadagil ka na ng mga tumatakbong kabataan.
Nang huling dalaw ko sa puntod ng aking ama at lolo (apat na lote yon) ay halos di ko makita dahil sa laki ng tent na itinayo ng aming katabi Akala ko ay nalipat ang harem ng isang Saudi Prence (prince) sa laki.Pati ang aming bahagi ng lote ay ikinupahan ng kanilang mga dala-dalang lalagyan ng ice at mga kabasurahan.
Wari ko ba ay buong barangay ang sumugod doon, kumpleto pati ang malaking kaserola na lalagyan ng mga pagkain.Wala pa sila noong nakaraang taon.
Magalang kong pinakiusapan na alisin ang mga gamit nila sa aming lote dahil hindi ako makapagtayo ng tent.
Ang tagaaaaaaaaaaaaaal bago inalis. Ang mga kilay ay nakataas, ang mga bibig ay nakabusangot. Sa aking utak ay nakikita kong binibigwasan ko ng kaliwa at kanan ang lalaking yaon sa aking isip-ala Ronian Poe. (anak ni DA King na binibisita niya noon sa Estet).
Naalis nga pero husme naman, ang kanilang radyo ay napakalakas habang sila ay nagtatawanan. Kulang na lang na magkaraoke sila sa loob ng tolda.
Nagdadasal ako para aking ama at lolo nang isingit ko ang ganitong dasal.
Pakibulabog nga.
Nasa chapter 3 na ako ng binabasa kong libro ng marinig ko ang malakas na hiyaw.
Sa kalikutan ng tatlong bata ay nabuwal sila sa isa mga poste ng kanilang tolda. Bagsak.
Parang nakita ko ang aking pader na naka-"thumbs-up" at ang aking lolo na nagkakasingkit sa pagtawa.
Salbaheng mga ispiritu. One point demerit kayo ngayon.
At matahimik akong nagbasa, habang inaayos nilang muli ang kanilang tolda.
The Ca t
3 Comments:
dito sa singapore ay automatic na cremation ang tuloy mo. hindi na uso rito ang six feet under dahil ginawa na itong show ng HBO. isa pa, napakaliit ng land area ng singapore at hindi na nila kayang i-afford na magbigay ng lupa sa mga hindi na humihinga.
matagal daw bago na adjust ang mga mind set ng mga tago rito. siyempre mas gusto ng mga tao na mas malaking kabaong kaysa urn.
minsan nga, naninibago na ako ngayon pag nakakakita ako ng mga cementeryo. weird.
alam mo, i can't help not to comment on this post. parehung-pareho kayo ng kapatid kong pangalawa. nakakapanaginip din sya ng mga bagay na may kinalaman sa mga mamamatay or namatay na. lalo na rin itong kwento mo. para kasi syang may laging kasama na ligaw na kaluluwa. sumama pa daw yata sa kanya sa japan. sa building na tinutuluyan nya, lagi daw may maririnig na naglalakad sa hallway kung saang floor sya naroon. nakapagtrabaho sya sa isang restaurant bilang isang waiter. sarado na ang restaurant at naglilinis daw sya ng mga mesa. yung isang babae daw na kasama nya na dancer, kalat naman daw ng kalat. pinagsabihan daw nya na wag magkalat pero sinagot daw sya na "trabaho mo yan eh di linisin mo!" sa inis daw nya, bumulong daw sya ng "paki batukan nga yan!" ng walang anu-ano, sumigaw daw yung babae ng isang malakas na "aray!" pinagbintangan daw yung isang katabing pinoy na syang bumatok sa kanya na close naman ng kapatid ko. nung sila na lang daw dalawa, tinanong ng kapatid ko kung ano ang ginawa nung pinoy sa babae. wala daw. di naman daw siya gumagalaw sa kinauupuan nya. nangiti na lang daw kapatid ko. weird noh? :)
tenk yu pala sa link. pero koreksyon lang po. nasa new zealand po ako. :)
totoo yan. either spirit guide sila o mga kamag-anak nating nagmamahal na hindi tayo maiwanan.
sensiya ka na, akala ko ang australia at new zealand ay 'preho.
Post a Comment
<< Home