Saturday, October 30, 2004

Not ONLI in the Pilipins

Dear Mouse,

Galing ako sa Social Security kahapon. Kailangan ko ng replacement card.

Nang makuha ko ang aking berde, nagpadala ako ng kopya at nagrequest na iwasto ang aking pangalan.

Kahapon, nalaman ko na iwinasto nga nila ang pangalan ko pero hindi nila inupdate ang aking status. H1B pa rin ako.

Naalala ko ang aking kaopisinang nagretire na. Nang kumuha rin siya ng replacement check, naalaman niya na female siya sa record ng SSS. Lalaking lalaki naman ang pangalan niya kahit saang lengguwahe.

Bakit ko sinulat ito ? Para sa Not ONLI in the Pilipins.

The Ca t

1 Comments:

At 10:01 PM, Blogger BatJay said...

nangyari na ito sa akin... nung nag re-apply ako ng US visa. yung tatak sa passport ko:

SEX: Female

aba sabi ko, dis is a big mistake. huwat are you taking me for? granted? change me ha! (ibahin mo ako!) i am a male.

ayun, kinuha nila at pinaghintay na naman ako ng ilang araw. nakuha ko rin eventually. i was half expecting them to put:

SEX: always

 

Post a Comment

<< Home