Pangangaluluwa-Pinoy Trick or treat
Dear Mouse,
Ipatuloy natin ang kuwento ng aking mader.
Bago nauso ang trick or treat, kuwento na ng aking mader na sa kanilang porbinsiya ay ginagawa na ang pangangaluluwa tuwing undas.
Nguni’t sa halip na mga bata ay mga dalaga’t binata o kaya ay mga malalaki na ang gumagawa nito dahil sinong bata ang lalabas sa dilim ng gabi sa mga kalsadang walang poste ng ilaw.
Sila ay nagbababahay-bahay na nakadamit sa multo na karaniwan ay puting kumot lang naman. Nanghihingi sila ng pagkain o kaya pera parang kagaya ng nangangaroling.
Ang ibang mga salbahe ay sinasamantala ito sa pagnanakaw ng manok, itlog, biik o kahit anong kaya nilang bitbitin.
Ang pugad nila ng manok ay nasa ilalim ng bahay o kaya ay nasa likod-bahay. Ang biik naman ay nakatali lang sa poste ng bahay.
Dahil sa paniniwala na ang ispiritu ay naggagala sa bisperas ng Undas, karamihan sa mga tao ay maagang natutulog.
Kung minsan ang "nakakaluluwa" ay ang mga anak na dalaga.
Iba naman ang istorya ng isang binata sa amin. Nahuli raw siya sa mga grupo at tuwang- tuwa siya nang may makita siyang naglalakad sa di kalayuan. Binilisan niya ang paglalakad, nguni't nanag malapit na siya ay napansin niyang hindi na natapak sa lupa ang mga paa nito.
Yon ang sinasabi nilang 500-meter dash-man. Hindi na siya umulit nangaluluwa.
Takot ako.
The Ca t
3 Comments:
Kahit ako yun, matatalo ko siguro si Lydia de Vega sa pagtakbo. hehe
Btw, putol yata yung link mo dun sa pinoyblog.com. Check it out.
oo nga, tenks
M're, hehehe sa amin, suman o kakanin ang ibinibigay, mabundat nga ko sa suman pag bisperas ng undas.
Post a Comment
<< Home