Si Pinay at Pinsan ni Kabalay
Dear mouse,
UPdate ni Pinaysaamerika.
Sa Pagbabalik ng nakaraan
Work to death ako. Five days a week nga pero 5:30 pa lang, alis na ako ng bahay. Ang balik ko ay alas diyes.
Ang aking kasama naman ay pasok siya ng alas 2:30 ng hapon at ang uwi rin niya ay alas 10. Sabay kaming kumakain ng hapunan. Hati kami sa gastos.
Minsang umuwi ako ay may naabutan akong isang babae sa aming kusina. Kumakain. Pinsan daw ni kabalay. Galing sa Pinas, turista.
HMMMM
Sohgal na shogal ang dating niya, mamah. < Nagkakadatikwas ang mga daliri niya sa paggamit ng kubyertos. Maliliit din ang subo niya. Malamya siya kung magsalita. Ang ulo niya ay gagalaw-galaw na tila yong asong plastic na dinidsipley sa kotse, tatango-tango, iling-iling pag gumagalaw ang sasakyan.
HMMMMMMM
Kung hindi lang sinabi siyang BABAE PO AKO, mukha siyang shukling. Laki ng Adam’s Apple. Parang gusto kong pangangahin at ipaluwa ang mansanas.
Cashier daw ito sa isang hotel.
HMMMMMMM
Mukhang may kaya. KAYABANGAN.
Ikaw anong trabaho mo sa Pinas ? Pinipilit niyang kutsarain ang spaghetti. Mangani-nganing agawin ko ang tinidor, paikutin ang spaghetti at sabihing NGANGA. Pagkain ng spaghetti, tinidor ang ginagamit ano. SUYA.
Hingang malalim, hingang mababaw.
Bakit ba mainit ang dugo ko sa kaniya.
Antibiotic ang dating niya sa akin kaya lumabas na naman ang aking dugong Berde. Si Santa Inez kaya ay patrona ng mga naiinis na tao?
Ikaw anong trabaho sa Pilipinas? Tanong niya sa akin nang walang kagatol-gatol, walang preno, walang beep beep.
HMMMMMMMM
Ayyy,Ginaya ko rin ang paggalaw ng kaniyang leeg . Pati pagtikwas ng daliri. METRO AIDE.
Ay ganda mo namang METRO AIDE.
AY Ganda ko raw ow. Kung hindi doon sa ganda, siguro kinurapan ko siya nang walang tigil at Sabihin sa kaniyang GAGAH,naniwala ka naman.
Kaya lang magmumukha naman akong si ATE VI. niyan.
Basahin po ang KARUGTONG.
The Ca t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home