*@#$%^
Dear Mouse, Dumating na ang aking kasama sa opisina. Marami pa rin akong gawa. Humirit siya nang makita niyang may mali sa ginagawa niya. Naghanap na naman siya ng butas para ako ang masisi. Sinagot ko siya. Wala mang lang akong narinig na salamat, pagkatapos kung tapusin lahat ang trabaho niya. Hindi ko responsibilidad ang kaniyang iniwan na hindi niya binilin. Nagwawala siyang nagsumbong sa amo. Parang batang dinala ang amo namin para ako pagalitan. Sisinghap singhap pa siya na tila ba hindi sya makahinga. Gusto kong hingin ang tropeo kay Nora Aunor para ihampas sa kaniya para sa Best Acting. Ang pinakamataas ay naniwala sa kaniya. Ang sabi ko lang, in a polite society, when one takes over your responsibility because you take a holiday, it is a must that you say thank you instead of scolding a subordinate for a responsibility that was not even hers. Besides, dapat ibinilin niya sa akin yon. at kung tutuusin dapat iniwan niya sa pinakamataas namin yon. Wala akong otorasyon para sa mga kasamang tansaksiyon na iyon na tungkol sa kaperahan. Ang aking abilidad na gawin ang trabaho niya ang dahilan ng kaniyang palagiang paglalakbay. Dapat niyang malaman na ang mga bagay na hindi pinahahawakan sa akin ay hindi niya puwedeng ihampas sa akin na tila ito ay responsiblidad ko rin. Tssk tssk, marami rito ang mga may puwesto na walang edukasyon. Edukasyon ang gumagawa ng kaibahan sa tao. Maging matagumpay man kung ang bunganga ay napakarumi, lumalabas pa rin ang kawalang pinag-aralan. Salamat sa pag pakinig mousey. Kung hindi mo ako naunawaan dahil ito ay Tagalog, pahinog ka. Biro lang The CAT
0 Comments:
Post a Comment
<< Home