Thursday, February 05, 2004

Ano raw?

Dear Mouse, Kahit na tawagin niya akong pangit, hindi ako sasang-ayon sa sinulat ng nasa ibaba. (sorry wala akong link). Fil-Ams Propose Stopgap Solutions to Exodus of Philippine Doctors By Dionesio C. Grava It has been a festering wound, a steady nibbling of the innards of our nation, which, even if the government were to gather the moral courage to do so, would be unable to plug. The people are supposedly a country's priceless legacy and in a family-centered culture like ours, departing from the comforts of home and familiarity is a prospect countrymen normally abhor. Ang nakakatawa dito mga Filams pa ang magpapahinto at sasabihin na ang mga tao ay mahalagang legasiya. Bakit sila nandito sa ' Merika?. Imbes na pahintuin nila ang paglipad ng mga doctor at mga narses ay dapat isuggest nila ang pag-saayos ng mga pag-iibang bansa katulad ng ginagawa ng pamahalaan ng China, Brazil, India at Mexico. Matagal nang sinasabi nilang mawawalan tayo ng doctor, ng narses, mga teachers pero halos tuwing gradwasyon ay libo- libo ang mga bagong mukha na pumapalit. Maraming nagsasabing wala tayong doctor sa baryo pero husme naman sino naman ang gumastos ng daan daang libo para lang lamukin sa bundok at sa baryo. Aminin natin na practical na ang mga tao ngayon. Patay na si Rizal at ibang mga bayani. Ang mga bayani ngayon ay nagtatrabaho sa ibang bansa at nagpapadala ng pera para makapag-aral ang kanilang miyembo ng pamilya. Kahit na tawagin pa akong bobo, di rin ako mapapaniwala dito. Time to go?By Cathy Rose A. Garcia, Senior Reporter Frustration over economic and political uncertainties gives no choice but to pack up and leave for a better life. May katotohanan man ito pero ang pag-alis ay hindi dahil lang doon. Kahit na ba anong hirap ng buhay sa Pilipinas kung wala namang oportunidad, hindi rin sila makakaalis. Kailangan ng mga trabahador sa Japan dahil halos ang mamamayan nila ay matatanda na. May mga bata man ay hindi na katulad ng kanilang mga ninunong magtatrabaho ng kahit ano. Kailangan ang mga nars sa Estados Unidos dahil sa noong panahon na maganda pa ang ekonomiya nito ay walang gustong mag-aral mga Merkano sa kolehiyo. Tama na sa kanila ang high school at vocational o associate in arts degree. O e ano ngayon kung ang doctor ay mag-aral ng narsing para makarating sa Estados Unidos. Marami talagang hindi practical. Sasabihin nakakahiya. Ano ang nakakahiya sa pagtutulong sa maysakit ano man ang titulo mo.Masuwerte nga ang ospital na mayroong nars at doctor pa, mas magaling. Marami ring di nakakaalam na kung kumuha ng masteral ang nurse dito ay magiging nursing practitioner na. Tila ito doctor na makukunsultahan sa sakit. At kahit na anong sabihin pa nila sa mga remittances na padala ng Pilipino, naniniwala ako sa sinabi ni Dilip Ratha. Economic effects of remittances Remittances augment the recipient individuals’ incomes and increase the recipient country’s foreign exchange reserves. If remittances are invested, they contribute to output growth, and if they are consumed, then also they generate positive multiplier effects. May nabasa din ako na may isang seminaryo(Tagalog sa seminar di ba?) sa isang hotel sa Makati na nagtuturo sa mga gustong magtayo ng negosyo sa mga maliliit ang puhunan namga OCW. Iyong ang hindi ako aprubado dahil sigurado ako hindi ito maappreciate ng mga kamag-anak ng OCW na may balak magtayo ng negosyo. Mayroon akong kuwento diyan. O Efren, huwag nang malikot. Propesor ko siya. Nang una kaming magkita ay ininterview niya ako para magturo. Kapapasa ko lang nang isang licensure exam para payagan akong magbilang ng munggo. Sabi kasi sa akin puwede raw akong magturo dahil equivalent daw yon Masteral. Hindi ako natanggap kasi mahina raw ang boses ko. Hindi raw aggressive ang personality ko. Baka raw gawing playground lang ng mga istudyante ang classroom dahil baka mas matatangkad pa sila sa akin at mukhang matatanda. Baby-face daw ako. Baby ng urangutan.hehehe May kasabay akong nag-apply. Marketing siya at talagang namamalengke siya dahil ander-de saya(yon ang tsismis nang kami ay matagal ng magkakilala). Pinagtulungan nila akong dalawang alaskahin. Sabi ni Marketing, ipasok daw ako sa MBA program para raw maimprove ko ang aking personalidad. Maliit nga ako pero wala naman akong taghiyawat. Beeh. Sabi ni propesor, paiiyakin lang daw ako sa klase, lalo’t mga executives ang mga nakaenroll. Kahit saling pusa hindi raw ako pwede. Makulit si Marketing. Sabi niya, mabuti raw yon para mayroon silang manikang paglalaruan. Kung hindi ko alam na pabling siya. Paimpress. Hanep talaga ang pagkamarketing niya. Pati akong hindi puwedeng bilhin sa palengke, naibenta niya doon sa propesor at namamahala rin ng graduate program. Presentasyon ng una kong kaso. Nakangisi na ang mga walang hiya. Nakabantay na sa aking sasabihin. Bise presidente ng isang pharmaceutical company ang aming propesor. Ang mga pasaring niya ay thank you for your kindergarten analysis and now the panel may start the water torture. (pagpapawisan kasi hindi sa hirap ng mga tanong, kung hindi sa mga walang kakuwenta kuwentang tanong, makapagtanong lang). Pag ninerbiyos ako, malakas pala ang boses ko.Mas malakas abot hanggang Mt. Banahaw pag inis. Sabi ni Marketing, hindi raw pala ko pusa kung hindi tigre. Elementary analysis daw ang presentasyon ko, sabi ng Bise-presidente-propesor. At least elementary, si Marketing, nursery. Hehehe. Biglang sumilip si unang propesor. Narining niya ang pagtatalo. Malakas daw pala ang boses. Parang dumadagundong. Hindi na kailangan ang microphone. Hindi rin niya ako kinuhang magturo. Pero kinuha niya akong maglecture sa mga seminaryo. Hindi ito para sa mga businessmen. Hindi ako magiging kapapaniwala. Sasabihin nila isang sipunin, magtuturo sa kanila. Haaah malaking insulto. Ang aking propesor.. na iyon ay kunektado sa isang foundation na namamahala ng mga grant sa mga mahihirap. OO, Virgina, may mga tao sa Pilipinas na hindi lang ngawa ng ngawa sa harap ng kamera at sulat ng sulat sa pahayagan para insultuhin ang mga kababayan nilang kalaban nila sa pulitika. Maraming taong nagtarabaho para matulungan ang mga mahihirap sa malalayong porbinsiya para makaahon sa kahirapan. Para sila ay mabigyan ng mga pautang, kailangan nila ang isang maliit na negosyo na ang foundation ang magbibigay ng kapital. Hindi kinakailangang malaki at sopistikada, yong abot ng kanilang nalalaman at malaki ang tsansa para lumago. Para siguradong inilalagay sa dapat pagkalagyanan ang pera, gumagastos pa rin ang mga foundation na ito para sila ay maturuan ng pagpili ng negosyo, pagtayo, pamamahala ng pananalapi at ang pagbigyan ng ebalwasyon kung ano ang nangyari sa negosyo, kung kumita ba ito o hindi. Unang araw ng 5-araw na seminaryo. Yabang ko, dala-dala ko ang mga lecture modules ko tungkol sa feasibility, viability, profitability, payback, discounted cash flow, roi, IRR. Ang gara rin ng suot kong business suit. Libo ang bili ko sa Rustan. Muntik na akong matapilok sa taas ng takong ng aking sapatos. Hindi hotel ang venue kaya walang carpet. Muntik na rin akong tapilukin ng isa ko pang propesor na taga Bangko Sentral. Isa rin siyang spoker. Sabi niya, bata, saang children party ka pupunta ? Kung hindi lang siya guwapo, sana ay inirapan ko na siya. Ngumisi siya ng ngising nakakainis. Peborit kita bata, makipagkita ka sa akin pagkatapos ng aking lecture para mabigyan kita ng mga tip kahit hindi ka waitress. Hahaha. Tapos na ang unang spoker. Nagising na ang "odyens". Ingles ang kaniyang "spits." Magaling. Dala pa niya ang accent niyang galing sa Estet. Sunod ang taga Bangko Sentral. Hindi niya ginamit ang podium. Naupo lang siya sa gilid ng elevated platform. Nakamaong siya at walang medias. Akala ko bibira ng Ingles na Good morning pero hindi. Sabi niya Gising mga KABARANGAY. Huwag ninyo akong tutulugan dahil pag ginawa ninyo sa akin yan, papasok ako sa inyong panaginip. Para akong si Kruger (Nightmare at Elm Street) na kayo ay hahabulin kahit saan kayo magsuot. AT pag sinabi kong tumpak ba. Sasagot kayo ng malakas ng OO o hindi. Pag oo ang sagot, lakasan. Pag hindi kayo sang-ayon, mahina lang at huwag ipaparinig sa mga magbabayad sa amin sa pagdayo naming dito sa malayong sulok ng Pilipinas. Yong sisigaw ng hindi, makipagkita sa akin pagkatapos ng aking "spits". Mag-paalam na kayo sainyong mahal sa buhay. Halakhakan. Lintek, gising ang 'odyens" hanggang makatapos siya. Simple lang ang kaniyang lecture. Naintidihan ng mga taong walang muwang sa negosyo. Nakipagkita nga ako sa kaniya. Bata pa siya. Nasa liyebo 30 lang pero libot na sa maraming sulok ng Pilipinas at daigdig. Kaya lang may-asawa na. Uminom kami ng buko. Tinanong niya ako kung may casual akong damit kagaya ng pantalon ng khaki, maong o kaya ay simpleng itim na pantalon. Itapon ko raw ang business suit. Mukha kang trying hard sabi niya . Aray. Simpleng tao ang mga ito. Pakikinggan ka nila kung ang tingin nila saiyo ay naiintidihan mo sila. Patuloy niya. Wala yong snobbish image. At huwag kang gagamit ng mga technical terms. Hindi nila maiintindihan. Mag-isip ka ng salitang maiintidihan nila. Kagaya ng Bottomline o profit, sabihin mo tubo. Hindi ka author ng libro na gumagamit ng mga salitang banyaga at magandang pakinggan para lang masabing magaling author. Hindi ka rin kolumnista na ang gagaling magsulat sa salitang banyaga pero nagtataaka bakit hindi sila pinapakinggan ng masa. Kasi hindi sila talaga naiintindihan. Kung ano togtog, yon ang iyong sayawan. Sige, sulong, magpahinga ka at marami kang gagawin diyan sa mga dala mo. Hindi tayo nandito para mag-impress kung hindi magturo ng ating nalalaman na hindi nila alam at malaman din ang hindi natin alam. Hindi tayo nagpunta rito para palakpakan kung hindi kulitin. Kagaya ng turo sa akin. Nagsuot lang ako ng maong at kamisetang makapal. Nakaupo na ang odyens. Binigyan ko ang bawa’t grupo ng papel para isulat ang negosyong gusto nilang pasukan tapos ibigay sa akin kung ano ang napagkasunduhan nila. Natapos ang iba. "Psst, ineng ito ang papel." Tinawag akong ineng. Darating na ba ang spoker? Aray, napagkamalan akong ewan ko kung ano. Papatayin ko yong taga Bangko Sentral. Pakana niya ito. Lumabas ako sandali. Tapos pumasok ako ulit. Sabi ko darating na ang spoker pero ako muna ang mag-aasikaso sa kanila. Sinimulan ko ang babuyan. Ilang baboy ba ang maalagaan nila. Magkano ang biik. (Production cost), magkano ang mauubos na feeds hanggang maipagbili(production cost)gamot?. At iba-iba pang magagastos pagpapalaki ng isang biik. Magkano ang maipagbibili (sales) pagkatapos ng ilang buwan. Ilan kaya ang mabubuhay at ilang ang mamamatay ? Magkano ang magagastos para magtayo ng bahay ng baboy.blah blah. Ilang buwan ba o taon mababawi ang puhunan. (payback)Kwuenta, kuwenta…tuwang tuwa sila. Dalawampung taon. Tinanong ko kung ilang taon na sila. Limampu. Sitenta sila bago mabawi ang puhunan ? Magtinda na lang kaya kami ng taho. Kuwenta ulit. Dalawapung buwan. Tuwang tuwa sila.Kikita sila ng mga mahigit 20 porsiyento sa kanilang ilalagay ba pera.(ROI) Okay na kaysa naman magpafive-six.Okay tuloy ang proyekto. Sunod ay ang pagbili ng bankang may motor para mangisda. Limang libo raw ang kataasang makukuha nila sa huli sa isang gabi at araw. Labas na rito ang mga libreng isda sa pamilya at ang mga di kalakihang isdang mahuhuli. Kailangan ng capital (capital investment) para sa bangka at motor at gasolina. Natapos naming ang dapat gawin. Tinanong nila kung hindi na darating ang spoker. Sana raw hindi na. Okay naman daw ako. Biruan at tawanan. Ang nakakatulog nilalagyan ng uling sa mukha. Ineng pa rin ang tawag sa akin. Kinunsensiya ako sa kasinungalingan ko. Hindi ako magiging presidente, dahil hindi ako honest.Nagpaaalaman. Babalik ako para makita kung ano ang kinahinatnan ng mga proyekto.... Nakamaong ulit ako. The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home