Aircon, snow, Manuel L. Quezon, Kris at Susan Roces
Dear Mouse, Mainit ang mga nakaraang araw. Pero hindi tumutulo ang pawis ko. Hinihika tuloy ako. Madalas ang punta ko sa ladies room para wisikan ko ang aking mukha ng malamig na tubig. May isang "mapusyaw ang kutis" na nagtanong sa akin kung bakit daw parang init na init ako eh dapat daw sanay ako sa init dahil mainit sa Pinas. Di ba sanay ka namang magpaypay? Ano raw ang ginagawa ko pag mainit? Sabi ko ginagamit ko isa kong daliri ? Anoooohhh, oh di lumaki ang mata niya. Oo, sabi ko. Tikwas ang ilong ko noong sinabi kong isang daliri para i-push ang on ng airconditioner sa bahay, sa opisina at sa kotse. There is one such invention, you know. DIto nga sa Estet, may mga building na walang aircon, heater lang. Pag uminit, para akong pop-corn na gustong magpop sa loob ng microwave. Hindi mo rin masisisi ang mga puting kutis na ito ng walang kaalaman sa Pinas. Kahit naman sa atin, marami ring Pinoy na akala lahat ng mga 'Merkano nakakakita na ng snow. Marami rin sa mapupusyaw ang kulay na walang alam tungkol sa mundo lalo nasa Pinas. Mayroon akong nakilalalang Pilipina na may ari ng isang travel agency. Nakapangasawa siya ng isang "merkanong" nagmula sa mga liblib na sulok ng Estet. Nang iuwi siya mula sa Pinas, pinagkalipunpunan daw siya ng mga kamag-anak at mga kabarangay. Tinitingnan ang kaniyang 'powet' na para bang hinihanapan siya ng buntot. Tiningnann ang kaniyang paa. siya ay nakaboots. at sabi bakit daw maganda siya. Sabi ko hintayin nila akong makita. oops. Marami ang pumupula kay Manuel L. Quezon, sa katunayan may nabasa pa ako noong nakaraang buwan na sinisisi siya sa pagsabi niya na mas nanaisin pa niya ang pamamahala ng Pilipinas pa rang impyerno kaysa mapailalim ng Estet. (tama kaya ang translesyon ko?) Bilang Philippines Resident Commissioner sa Estet, nakita niya kung paano ang Pilipino ay ipinakita sa mundo. Sa 1904 World Fair para i-celebrate ang St. Louisiana Purchase. Ang pinakita sa mundo ay mga savages at ang mga larawang parang yon nga ang Pilipino at ang mga commissioners at mga pensionados(Scholars) ay mga kaunti lang sa numero. Ang mga retratong nakita ng milyong pumunta sa carnabal na yon ay: 1. mga negritong (binyag nila sa maliit na bersiyon ng kanilang Itim) na umaakyat sa Puno 2. mga Igoroteng kumakain ng aso (sa mga taong mahal pa nila ang kanilang alagang aso kaysa sa mga tao, ang mga kumakain ng aso ay mga savages. 3. mag-asawang midget sa Bisaya 4.mga taong bundok na nakabahag lang at sinasabing head hunters at cannibals Nagtalumpati siya sa maling pagpapakita sa mundo nang tungkol sa Pinas. Ang mga hindi sumasang-ayon at ang mga sumasangayon ay parehong ginamit ang mga retratong ito sa bawat expositions na kung saan ay mga Pilipinong mga walang sibilasasyon na dapat kaawaan at hindi dapat isama sa mga ini-exploit(ayon sa mga anti-imperialists). Sa kabilang panig naman ay ang mga imperialists na ang Estet ay naniniwalang kailangang kalingain ang mga Pilipinong walang sibilisasyon daw, turuan sila ng abc, turuan silang maligo at magsuot ng damit. Kaya halos lahat ng mga Simbahang Kristiyano ay nagpapadala ng mga misyonaryo sa mga lugar na ang mga Pilipino ay mga pinaniwalaang kailang mkabinyagan, kailangang maturuang ng Ten Commandments kung saan may nasasaad na Huwag Papatay---kasama doon ang huwag kumain ng kapwa tao.Nireretrato nila ang mga "natives" kagaya ng mga Igorote na for a fee, susuotan kanila ng makulay nilang mga damit na may kasama pang sayaw. Pag nakita ito sa Estet, akala ng mga "badly'informed" na mga Puti, akala nila ang mga Pinoy, pagdating sa Pinas ay nag-aalis ng damit. May isang larawan kasi ang isang Igorota na walang pantaas. Ang mga Egyptians ay hinangaann sa kanilang mummy hindi dahil lang sa kayamanang nakabaon kasama sa libingan kung hindi ang siyensiya ng pagprepreserve sa mga bangkay ng mga taong nabuhay noong hindi pa mang naglalakad sa mundo ang mga nakilalang magagaling sa Siyensiya. Ang mga Igoroteng ito ay may sarili rin silang pamamaraan ng matagal na pagpapanatili ng katawan ng kanilang ninuno. At sino ba ang gumawa ng rice terraces? Katulad ng Pyramid, ito rin ay isang kababalaghan dahil wala ring makinarya na ginamit sa pagtayo ng mga tanimang ito. Sa mga nag-isip na kung hindi kay Quezon, sana ay naging Estet na rin tayo at marahil ay madalas tayong maghalo-halo---- 1. Hindi lahat ng parte ng Estet ay may snow 2. Hind man lang pinangarap na mga Puti na malahian ng mga asyano sakaling maging teritoryo tayo In fact dahil sa takot ng mga ibang mapupusyaw na kulay na masamahan ng dugo nila ng dugo ng mga tagarito sa Asya, may batas na nagbabawal ng pagpapakasal ng Puti sa mga Asyano. Una ay sa mga insik lang ito pero eto ay inextend sa mga ibang lahi ng Asya. Kaya noon walang makapakasal sa Asyano at kung mayroon man ay mga nagsasama lang ng hindi kasal. Ang batas na ito ay pinawalang bisa lang noong middle 40's. Kailan nga ba kinasal ang magulang ni Fernando Poe? Tulad din ng mga Puti, ang mga Insik din ay ayaw pag-asawahin ang mga anak nilang Insik sa ibang lahi. Sa pelikulang Mano Po, may dialogue na ang mga Insik na babae ay para lang sa mga Insik na lalaki. At sa Mano Po 2, muling lumabas na binabawal ang pagpapakasal sa Pilipino ng mga Insik. Ito raw ay isang kahihiyan. Wala sigurong isinulat na batas pero mas matindi ang batas ng paniniwala at ipinapamana sa mga susunod na henerasyon. Pero ito ang aking mga tanong: 1. Bakit naging Susan Roces si Kris Aquino, samantalang si Sza Sza ay hindi tumanda? 2. Bakit nang barilin si Christopher at naulanan ang kaniyang buhok, nawala ang puti ng buhok. 3. Bakit nang bata pa si Christopher, hindi siya singkit? Sabi ni Susan(Mrs. Fernando Poe, Jr.) aka Sol, dalawa na nga tayong asawa, magiging tatlo, hihintayin ko pa bang maging walo? Bakit yong alam kong Chinese Tai pan may apat at mayroon pang satellites. Noong makita ko ang mga mansion ng mga asawang ito, naisip ko ilan kaya ang itinayo ng pawis ng mga trabhanteng nagsusuweldo lang ng minimum at minsan ay below minimum. Sandali , bakit napunta ako sa pelikula. The CA t )
0 Comments:
Post a Comment
<< Home