Saturday, March 13, 2004

bakit ka sumisigaw

Dear Mouse, Madalas sabihin sa akin ng aking mga kausap na bakit daw mahina ang aking boses. Tanong ko naman, mahina ba? May isang buwan na rin akong nanonood (hindi talaga nanonood, nagagawi lang ...deny,deny, deny...) sa mga noontime shows, sitcom at mga talk shows sa aking Filipino channel. Bakit sila ganoon? Mga bingi ba sila? May hawak na mga microphone pero sila ay nagsisigawan. Hindi ba sila makakapagpatawa kung hindi sila sisigaw? Akala ko mga Asians lang ang may mga speaker sa kanilang ngala-ngala. Kasi ang mga insik pag nag-usap sa tren, ang ingay. Pag punta ko sa bangko kahapon, may naririnig akong malakas ang boses na tila ba nagsasalita sa megaphone o sa public speaker. May demonstrasyon kaya sa malapit? Wala naman. Nakita ko ang isang Puti na hindi naman sumisigaw pero ang lakas ng sabi niya..Spare some dollars and you will be blessed. Bigla akong nabingi, hindi dahil sa lakas ng boses niya kung hindi sa salitang spare...Laki ng katawan niya noh. Sa loob ng bangko ay may dalawang Pinay na habang nakaupo naghihintay sa kanilang numero ay nag-uusap sila. Sa lakas ng boses nila, akala ko ay may nag-uusap sa malapit sa nakabukas na microphone at naririnig sa speaker ang mga boses. Nakakalat sa loob nga maliit na floor ng bangkong iyon. Parang gusto kong buksan ang kanilang bibig at silipin kong may nalunok silang amplifier. Hindi naman sila mga bagong salta dito na sanay diyan sa mall na napakaingay dahil sa musikang (musika nga ba yon?) pinatugtog kaya di tuloy magkaringgan ang sales clerk at ang namimili. Namimili: Magkano ito? Sales Clerk: Hindi ho Markano yan. Namimili: Hindi, ang sabi ko magkakano ito? Sales clerk: Ahhh...magkakano,bakit kayo sumisigaw? Five hundred ho, wholesale ho yan at hindi pwede ang tingi? Namimili: Hindi ako naliligaw at hindi rin ako bingi. Hindi kanyo nakakatawa? Alam ko. Kasi mali ang gawa ninyo. Basahin ninyo ng pasigaw. Pag binato kayo ng kasama ninyo. Yon ang nakakatawa. HAHAHAHAHA The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home